Bulacan, iilawan ang Christmas tree na hango sa modernong disenyo
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang mga pagsubok na naranasan ng lalawigan sa mga nakaraang buwan, opisyal nang iilawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando ang 35 na talampakang Christmas tree sa harap ng gusali ng Kapitolyo sa Biyernes, Disyembre 4, 2020, ika-5:00 ng hapon upang ikintal sa mga Bulakenyo na mayroong pag-asa sa kabila ng lahat.
Hango sa modernong disenyo, dama pa rin ang diwa ng Bulakenyo kung saan isang malaking hugis bituin na parol na yari sa singkaban ang nakalagay sa itaas ng Christmas tree na sumisimbolo ng liwanag at pag-asa matapos ang nakaraang kalamidad at kasalukuyang pandemya.
Ayon kay Imelda B. Arabe, arkitekto at nag-disenyo ng Christmas tree, ang disenyo ngayong taon ay binubuo ng 100 magkakaibang sukat na makukulay na Christmas wired balls at 100,000 na Christmas lights na magbibigay liwanag sa harap ng Kapitolyo.
Sinabi ni Fernando na ang pagpapailaw ng Christmas tree ay magdadala ng ligaya at pag-asa sa mga Bulakenyo at magpapaalala sa kanila na tuloy pa rin ang Pasko sa kabila ng pandemya na kinakaharap ng buong mundo.
“Sa pag-iilaw ng ating Christmas tree dito sa Kapitolyo, muli nitong ipinapaalala ang diwa ng pagkakaisa nating mga Bulakenyo lalo na sa oras ng krisis at paghihirap. Ito ang magsisilbing liwanag sa kabila ng dagok at dilim ng mga nangyari. Sana ay maging inspirasyon din ito para magbahagi tayo ng biyaya sa kapwa natin na nangangailangan,” anang gobernador.
Bago ang opisyal na pag-iilaw ng Christmas tree, tutugtog ang Bulacan Brass Band sa Hiyas ng Bulacan Convention Center at iaanunsyo naman ng the Provincial History Arts, Culture and Tourism Office ang mga nagwagi sa Paskong Bulacan Online Song Writing Competition. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pinoy karateka Delos Santos humakot na ng 50 golds mula sa iba’t ibang kompetisyon
Mayroon ng 50 gold medals mula sa iba’t ibang kompetisyon si Philippine karateka James delos Santos. Pinakahuling panalo nito ay sa Katana International League #3. Tinalo nito ang mga pambato ng Switzerland, France, Norway at US. Noong Oktubre 2020 ay nakamit na nito ang number 1 status matapos na […]
-
“Special economic at freeport zone” sa Bulacan Airport City, bineto ni PBBM- Malakanyang
BINETO (VETO) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na magtatayo ng “special economic at freeport zone” sa Bulacan Airport City. Sa isang text message, kinumpirma ni PCOO at Press Secretary Trixie Angeles na bineto (veto) ng Pangulo ang nasabing batas. “We confirm that the president signed the veto of […]
-
Taas pasahe sa PUJ tiyak na bago matapos ang taon
TINIYAK ng Land Transportation Frachising and Regulatory Board (LTFRB) na tataas ang pamasahe sa mga public utility jeepneys (PUJs) bago matapos ang taon. Ito ay dahil na rin sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng krudo na naitala sa ika-10 linggo na tinawag ng LTFRB na hindi pangkaraniwan. Ayon […]