Bulacan, ipakikilala ang kauna-unahang Singkaban Festival Digital Kings at Queens
- Published on September 10, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Ipakikilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang kauna-unahang mga kandidato para sa Singkaban Festival Digital King and Queen na maglalaban-laban para sa nasabing titulo sa Setyembre 11, 2021, 3:00 N.H. sa pamamagitan ng Google Meet.
Ayon kay Dr. Eliseo S. Dela Cruz, tampok sa birtwal na patimpalak sa taong ito ang 11 mga kalalakihan at 11 mga kababaihan mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa lalawigan na may kani-kaniyang kakayanan, talento at talas ng pag-iisip.
May pagkakataon ding makilahok ang mga netizen sa pagpili ng karapat-dapat na Hari at Reyna sa pamamagitan ng pagsusumite o pagbibigay ng final question sa Facebook post ng Bulacan Tourism na itatanong sa mga kandidato.
Samantala, sinabi naman ni Gobernador Daniel R. Fernando na ang patimpalak na ito ay magbibigay din ng pagkakataon sa mga kandidato na patunayan ang kanilang kakayahan sa pagiging modelo para sa kabataang Bulakenyo.
“Mula sa pagiging isang kandidato sa patimpalak na ito, pagkakataon na rin ito upang maging magandang ehemplo sa ating mga kabataang Bulakenyo upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa mayamang kasaysayan, kultura at turismo ng lalawigan bukod pa sa kanilang natatanging galing at kakayahan bilang kabataan,” anang gobernador.
Gaganapin ang koronasyon sa Setyembre 14, 2021, 3:00 N.H. sa Nicanor Abelardo Auditorium / Bulacan Toursim Facebook Page. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
MARIAN, successful ang launch ng sariling clothing line; new collection sold-out agad pagkalipas ng ilang oras
OUR congratulations to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa successful launch ng sariling clothing line, under her Flora Vida lifestyle brand. Sold-out kasi agad ito in just hours since its release. Ang new collection ni Marian ay bumubuo ng easy-to-wear pieces for lounging or day-to-day activities. Each design costs P10,000.00. Kaya […]
-
Bilang ng ‘unemployed’ sa PH, dumami pa; higit 3-M na – PSA
Lalo pang dumami ang bilang ng mga unemployed o walang trabaho na Pilipino noong Oktubre. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na ito sa 3.5 million na mas mataas kompara sa 3.07 million na naitala noon lamang Hulyo 2021, pero mas mababa naman kaysa 3.81 million na napaulat noong Okutubre 2020. […]
-
Konstruksyon ng MRT 4 tumaas ng P28 billion
NAGPAHAYAG ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng karagdagan gastos ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 4 dahil sa pagbabago ng design at technology na gagamitin. Ang pamahalaan ay kinakailangan gumastos ng kabuuang P87 billion upang matapos ang civil works at ang pagbili ng systems at trains na gagamitin sa […]