• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, kaisa ng bansa sa obserbasyon ng Earth Day 2022

BILANG pagpapakita ng suporta para mapangalagaan ang ating planeta, magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ng clean-up drive sa Brgy. Sto. Rosario, Paombong at tree planting at growing activity sa Paombong Eco Park, San Isidro II, Paombong, Bulacan bukas, alas-7:00 ng umaga.

 

 

Sasamahan ang mga kawani ng BENRO ng mga kawani mula sa Paombong MENRO upang makatuwang sa clean-up drive kung saan may kabuuang 100 namumungang mga puno ang itatanim sa loob ng eco park.

 

 

Samantala, hinihikayat naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na gamitin ang 4Rs ng waste management at inihayag ang kanyang kagustuhang magpatupad ng mga programang makatutulong sa pangangalaga at konserbasyon ng mga likas na yaman para sa mga susunod na henerasyon.

 

 

“Sa hinaharap na problema ng mundo ngayon laban sa global warming at climate change, hinihikayat ko kayong lahat na gawin at sundin ang 4Rs; ang reduce, reuse, recycle at recover dahil sa maliit na paraan na ito, kapag lahat tayo ay nagkaisa, malaki ang magiging tulong nito sa ating kalikasan. Sinisigurado ko rin na ang kalikasan ay isa sa ating pagtutuunan ng pansin dahil hindi lamang ito para sa atin kundi maging sa mga susunod pang henerasyon,” anang gobernador.

 

 

Ang Earth Day ay taunang obserbasyon na ginaganap tuwing April 22 upang magpakita ng suporta sa pangangalaga sa kapaligiran na kinikilala bilang ang pinakamalaking sekular na pagdiriwang sa buong mundo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • DPWH pinasalamatan ang PSC sa pagtulong ngayon coronavirus pandemic

    Pinasalamatan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa pagtulong nito sa paglaban sa novel coronavirus pandemic sa bansa.   Sa sulat ng DPWH sa PSC, labis ang pasasalamat nila sa pagpapahiram ng PSC ng kanilang pasilidad.   Ginamit kasi ang ilang pasilidad ng PSC para gawing quarantine […]

  • Cabinet officials ni PBBM, sumabak na sa trabaho

    MAY ILANG  miyembro na ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagsimula nang sumabak sa kanilang trabaho.     Sa katunayan, may ilan ang nag- first day “warming up” na sa kanilang staff at sinasanay na ang kanilang sarili sa tanggapan na kanilang magiging  “official home” sa mga darating na araw.     Isa […]

  • PBBM, winelcome ang 2 bagong ATAK helicopters; nangako na mabilis na iaarangkada ang PAF modernization

    SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Air Force (PAF) sa hangarin nitong  matupad ang vision nito na maging  world-class.     Pinangunahan ng Chief Executive ang ceremonial blessing ng dalawang bagong T129 ATAK helicopters sa Malakanyang.     Umaasa naman ang Pangulo na ang modernization goal ay magiging daan para mapalakas ang […]