• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, pasok sa mas maluwag na Alert Level 2

LUNGSOD NG MALOLOS- Mas magiging maluwag ang quarantine restrictions sa Lalawigan ng Bulacan sa pagsailalim nito sa Alert Level 2 simula ngayong araw, Pebrero 1 hanggang 15, 2022.

 

 

 

Ayon sa Executive Order no. 5, series of 2022 o “An order adopting the implementation of Alert Level 2 in the Province of Bulacan from 01 until 15 of February 2022 and for other purposes” ni Gobernador Daniel R. Fernando, maaaring magbukas ang mga aktibidad at establisyimento hanggang 50% ng kanilang indoor capacity at 70% ng kanilang outdoor venue capacity.

 

 

 

Dagdag pa rito, kailangang ipakita ng mga indibidwal na kumpleto na ang bakuna ang kanilang vaccination card bago pumasok sa mga enclosed na lugar o aktibidad, habang dapat na makapagpakita ang mga hindi pa bakunado at hindi pa kumpleto ang bakuna ng negatibong rapid antigen o RT-PCR na resulta ng test sa nakalipas na 72 oras.

 

 

 

Patuloy na nagpapaalala si Fernando sa mga Bulakenyo na sumunod sa minimum public health protocols sa lahat ng panahon at magpabakuna dahil ito ang napatunayang mabisang paraan upang mabawasan ang panganib sa pagkahawa ng COVID-19.

 

 

 

“Congratulations po sa inyo dahil babalik na po tayong muli sa Alert Level 2. Ibig sabihin nito, ang mga Bulakenyo ay patuloy na nag-iingat at patuloy na nagiging disiplinado,” anang gobernador sa idinaos na pagpapamahagi ng rice subsidy sa Bustos, Bulacan kahapon.

 

 

 

Sinabi rin niya na hinihintay ng lalawigan ang direktiba mula sa pamahalaang nasyunal at Inter-Agency Task Force on COVID-19 upang makapagbakuna sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang.

 

 

 

“Hindi pa po pinapayagan sa ating lalawigan ang face-to-face classes lalo na sa elementary education, sapagkat kailangan nating protektahan ang ating mga anak. Kailangang sila ay ligtas sa pagbalik nila sa eskwelahan,” dagdag pa ng gobernador.

 

 

 

Noong Enero 24, 2022, nakapagbakuna na ang Bulacan ng kabuuang 4,217,181 dosis ng bakuna laban sa COVID-19; 1,955,905 Bulakenyo ang kumpleto na ang bakuna habang 1,998,958 ang tumanggap na ng kanilang unang dosis. Gayundin, 262,318 ang nabakunahan na ng booster shots.

 

 

 

Samantala, noong Enero 31, 2022, nakapagtala ang Provincial Health Office-Public Health ng 3,779 kabuuang bilang ng mga aktibong kaso na may karagdagang 25 fresh na kaso at 136 late na kaso.

 

 

 

Makikita ang kabuuang nilalaman ng Executive Order no. 5, series of 2022 sa opisyal na Facebook page ni Gov. Daniel R. Fernando sa https://www.facebook.com/govdanielfernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • P100 daily wage hike bill aprub na sa Senate

    INAPRUBAHAN na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang landmark bill na nagmumungkahi ng P100 pagtaas sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor.     Bumoto pabor ang 20 senador sa Senate Bill No. 2534 samantalang hindi naman nakaboto at wala sa session hall sina Senators Imee Marcos, Lito Lapid, Cynthia […]

  • NCR ‘high risk’ na sa COVID-19 Omicron variant

    Nasa high risk classification na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang patuloy na pagtaas ng reproduction number at positivity rate sa rehiyon.     Kasabay nito, tumaas din ang hospital bed occupancy sa 41% kumpara noong nakaraang linggo.     Batay sa ulat ng OCTA Research Group, nasa 4.05 ang […]

  • First appearance ni SHARON sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, inabangan at nasilayan na bilang Aurora

    NOONG Biyernes, November 26, ang unang araw ng paglabas ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.     Si Sharon mismo ay nag-share ng teaser sa kanyang FB page kung saan ipinahayag niya na lalabas na siya sa highly-popular action series ni Coco Martin.     Ang ‘very special participation’ ni Sharon ay ang isa […]