Bulacan, sinimulan ang pagbabakuna sa mga tourism frontliner
- Published on October 15, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office at Provincial Health Office ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa turismo kabilang ang mga manggagawa ng pelikula, historyador, mananaliksik, mga grupo sa sining at kultura, tour guides, samahan ng turismo, at mga frontliner sa accommodation, resorts, events, food, at sektor ng agritourism.
Limang daang manggagawa sa turismo ang unang nabakunahan sa ginanap na Mass Vaccination noong Oktubre 7, 2021 sa Provincial Vaccination Site, The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito, at 500 pa ang naka-iskedyul na bakunahan ngayong buwan.
Pinaalalahanan ni Fernando ang mga bagong bakunang manggagawa ng turismo na pagtuloy na sumunod sa mga health protocol upang makaiwas sa COVID-19.
“We need to protect ourselves. Kailangan protektado ang ating katawan dahil mayroon po tayong pamilya na dapat din nating ingatan. We need to make sure that everybody is safe. Patuloy pa rin tayong mag face shield at face mask and social distancing at alcohol,” anang gobernador.
Sinabi ni Dr. Eliseo Dela Cruz, pinuno ng PHACTO, na ang Bulacan ang unang lalawigan sa bansa na tumugon sa panawagan ng pamahaalang nasyunal at Department of Tourism na bakunahan ang mga tourism frontliner.
“Agaran pong tumugon ang ating gobernador sa panawagan ng ating national government. Kailangan po na sa pagbubukas ng ating turismo sa lalawigan ng Bulacan ay protektado ang lahat ng ating tourism frontliners,” aniya.
Samantala, pinasalamatan ni Paula Bernardo, isang majorette ng Bagong Bayan Brass Band na nabakunahan ng Pfizer, ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay prayoridad sa mga manggagawa sa industriya ng turismo na naapektuhan ng pandemya.
“Since pandemic, nawalan ng pagkakakitaan at tumamlay ang industriya ng sining. Nawalan ng trabaho ang mga musiko at mananayaw. Gayunpaman, nagpapasalamat kami na isa kami sa nabigyan ng pagkakataon na mabakunahan upang ligtas na makabalik sa aming trabaho sa oras na payagan na ito,” ani Bernardo.
-
Experience The Best Of British Theater A Second Time Around (part 2)
IN Jack Thorne’s The Motive and Cue, audiences are offered a glimpse into the politics of a rehearsal room and the relationship between art and celebrity. Coming to Ayala Malls Cinemas in Greenbelt, Makati on August 27, Richard Burton, newly married to Elizabeth Taylor, will play the title role in an experimental new Broadway production […]
-
Napaulat na hacking sa Comelec data, iimbestigahan ng DICT cyber security bureau
MAGSASAGAWA ng sariling imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa di umano’y hacking incident sa Commission on Elections’ (Comelec) data. Sa katunayan, ipinag-utos ni Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic sa Cybersecurity Bureau ng departamento na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon ukol sa napaulat na hacking sa data ng komisyon. […]
-
SSS naipamahagi na ang mahigit P1-T sa mga miyembro at benipisaryo
AABOT sa halos P1.1 trillion na ang naipamahagi ng Social Security System (SSS) sa kanilang mga miyembro, pensioners at mga beneficiaries mula 2016 at 2021. Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, na ang nasabing halaga ay halos doble sa naipamahagi nila mula 2010 hanggang 2015 na aabot sa P549.59 bilyon. […]