• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, tumanggap ng 3 milyon na mga face mask at libu-libong mga goods

LUNGSOD NG MALOLOS – Tatlong milyong piraso ng mga face mask ang ipamamahagi sa mga Bulakenyo mula sa Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ng programang “Mask Para Sa Masa” sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa isinagawang ceremonial turn over kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.

 

 

Ang Masks Para sa Masa ay programa ng pamahalaang nasyunal na naglalayong magbigay ng mga libreng face mask upang maproteksyunan ang anim na milyong mahihirap na pamilya o mahigit 35 milyong indibidwal sa bansa laban sa COVID-19 at upang makapagbigay ng kabuhayan sa mga micro, small and medium enterprises, mga kooperatiba at iba pa.

 

 

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena J. Tiongson, tumanggap ang Bulacan ng may kabuuang 3,265,167 piraso ng mga non-medical cloth na face mask na ipamamahagi sa 653,033 pamilya kasama na ang mga benepisyaryo ng ESP SAP, 4Ps, UCT SOcPen at Listahanan sa pamamagitan ng mga itinalagang mga city/municipal social welfare development officer ng bawat yunit ng pamahalaang lokal.

 

 

Ipinahayag naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang pasasalamat sa pamahalaang nasyunal at sinabing ang mga naturang face mask ay siguradong makatutulong sa pagsugpo sa paglaganap ng virus.

 

 

“Lubos po ang aking pasasalamat sa pagkakaloob ng mga libreng face mask na ito para sa mga Bulakenyo. Magiging kabawasan din ito sa mga pang araw-araw na gastusin ng ating mga kalalawigan, lalo na dahil sa proteksyong maidudulot nito sa mga tao dahil ang simpleng pagsusuot ng face mask ay makapagliligtas sa ating sarili at sa ating kapwa,” anang gobernador.

 

 

Tumanggap din ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga donasyon mula sa Pitmaster Foundation, Inc. noong Lunes kabilang na ang 10,000 piraso ng noodles, 10,000 piraso ng sardinas, 1,000 sako ng 25 kilo na bigas at isang ambulansya habang ang Guerrero Brothers naman ay nagbigay ng 400 sako ng 25 kilo na bigas 10,000 piraso ng noodles at sardinas na ipamamahagi rin sa mga Bulakenyo.

 

 

Ayon sa COVID-19 surveillance update ngayong araw, mula sa kabuuang 26,011 kaso ng COVID-19 sa lalawigan, 22,270 (86%) ang nakarekober, 3,095 (12%) ang mga aktibong kaso at 646 (2%) ang namatay.

Other News
  • Pinoy tennis star Alex Eala umangat ang puwesto sa tennis world ranking

    Umagat ang world ranking ni Filipino tennis star Alex Eala.     Ayon sa tennis World Juniors ranking nasa pangalawang puwesto na ito.     Nakakamit kasi ito ng 467.5 points matapos na magwagi ng dalawang titulo sa Trofeo Bonfiglio, J Tournament sa Milan, Italy.     Nahigitan ng 16-anyos na si Eala si Elsa […]

  • Mapapanood na ito next month sa TV5: SARAH, grateful na nabigyan uli ng serye na siya ang bida

    NEXT month ay mapapanood na sa TV5 ang “Lumuhod Ka sa Lupa” na kung saan bida si Sarah Lahbati kasama sina Sid Lucero, Rhen Escaño at Kiko Estrada.   Ang akala raw ni Sarah ay hindi na siya mabibigyan ng acting project kaya ganun na lang ang pasasalamat niya. “Personally it’s not something that I […]

  • ‘Logan’ Star Shares Key Advice Hugh Jackman Gave Her

    LOGAN star Dafne Keen shares the advice Hugh Jackman gave her on set of the X-Men film.   Jackman made his debut as Wolverine in the 2000 film X-Men and went on to reprise the role nine times over nearly two decades, effectively ending his character’s run with 2017’s Logan (though he will be returning […]