• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, tumanggap ng parangal bilang Best Performing LGU

LUNGSOD NG MALOLOS- Hinirang ang Lalawigan ng Bulacan bilang isa sa mga Best Performing Local Government Unit sa kategoryang Total Doses Administered noong National Vaccination Days sa ginanap na Recognition of the Best Performing Local Government Units on Safety Seal Certification Program, VaxCertPH Program, and National Vaccination Days sa Main Mall Atrium, SM Mall of Asia, Lungsod ng Pasay noong Lunes.

 

 

Sa isang recorded na mensahe, binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga kinilalang lokal na pamahalaan para sa kanilang pagsisikap na maisulong ang isang mas malusog at mas ligtas na Pilipinas.

 

 

“This distinction attests to local leaders’ commitment to safeguarding the health and overall wellbeing of our citizens. May you inspire other LGUs to work even harder in promoting the welfare of the general public including tourists visiting our country,” anang pangulo.

 

 

Ibinahagi ni Testing Czar at Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vivencio Dizon na nakapagbakuna na ang Pilipinas ng higit 140 milyong dosis ng bakuna sa buong bansa. Gayundin, inanunsyo niya na 65 milyong Pilipino na ang kumpleto ang bakuna at 12 milyon ang nakatanggap na ng booster shot.

 

 

“We have seen that the vaccination program was really the game changer. If we did not come together as one, we would not be here today. Dapat nating pasalamatan ang ating mga kapwa Pilipino, lalo na ang mga nagpabakuna,” ani Dizon.

 

 

Samantala, pinasalamatan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang Department of the Interior and Local Government at ang National Task Force on COVID-19 para sa pagkilala at sinabi na ipagpapatuloy ng lalawigan ang paghihikayat sa mga Bulakenyo na magpabakuna.

 

 

“Lubos po ang ating pasasalamat sa pagkilalang ating natanggap. Makakaasa po ang ating pamahalaang nasyunal na patuloy ang ating suporta sa kanilang mga programa at proyekto lalo na para ito sa kapakanan ng ating mga kalalawigan,” anang gobernador.

 

 

Noong Marso 21, 2022, nakapagbakuna na ang Lalawigan ng Bulacan ng kabuuang bilang na 4,861,249 dosis ng bakuna laban sa COVID. Sa numero na ito, 2,217,883 na Bulakenyo na o 73.59% ng Eligible Population na ang kumpleto ang bakuna, habang 502,592 ang tumanggap ng kanilang booster dose.

Other News
  • Roger Federer, nanguna sa 100 highest-paid athletes ng Forbes

    Nangibabaw sa unang pagkakataon si tennis superstar Roger Federer sa listahan ng mga highest-paid athletes ng Forbes business magazine ngayong taon.   Sa datos ng Forbes, kumita si Federer ng $106.3-milyon kung saan $100-milyon ang mula sa appearance fees at endorsement deals, habang ang $6.3-milyon ay galing sa premyo sa nilahukang mga torneyo.   Sumegunda […]

  • Warner Confirms ‘The Batman’ Sequel, Reveals First-Look of ‘Don’t Worry Darling’

    WARNER Bros. Pictures confirms vengeance is returning to Gotham plus a first-look debuts for ‘Don’t Worry Darling.’     Warner Bros. Pictures made that revelation plus a couple of first-look debuts during the studio’s presentation April 26 at CinemaCon, the annual convention of movie theater owners held this year in Las Vegas.     Warner announced that […]

  • Import at export ng mga produkto ng Unilever sa Russia, suspendido na rin

    SINUSPINDE na rin ng kumpanyang Unilever ang lahat ng import at export ng mga produkto nito sa Russia.     Ito ay bilang pakikiisa ng nasabing food and consumer giant sa panawagang tuldukan na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasabay ng pag-asa nito na mananaig pa rin sa huli ang kapayapaan, karapatang […]