• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, umangat sa ikawalong pwesto bilang Most Competitive Province

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang patunay sa pagsisikap nito tungo sa pag-unlad at dedikasyon sa mabuting pamamahala, umangat ang Lalawigan ng Bulacan sa ikawalong pwesto bilang isa sa Most Competitive Province sa 2023 Philippine Competitiveness Ranking na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) sa isinagawang 10th Cities and Municipalities Competitive Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kamakailan.

 

 

Sa 1,634 na kalahok na mga pamahalaang lokal, may kabuuang 103 na mga lungsod, munisipalidad at lalawigan ang ginawaran ng top rankings para sa iba’t ibang kategorya kung saan ang Bulacan ang tanging lalawigan sa Gitnang Luzon na nakakuha ng puwesto sa Top 10 Most Competitive Province.

 

 

Bukod pa rito, humakot din ng mga parangal ang Lungsod ng Baliwag kabilang na ang ikatlong puwesto para sa Overall Most Competitive na 1st to 2nd Class Municiplaities, Top 5 sa Infrastructure, Top 6 sa Innovation at Top 8 sa Resiliency habang nakamit ng Munisipalidad ng Santa Maria ang Top 4 sa Infrastructure at Top 6 sa Economic Dynamism; Munisipalidad ng Marilao bilang Top 6 sa Economic Dynamism, Munisipalidad ng Angat sa Top 7 ng Most Improved 1st to 2nd Class Municipality; at Lungsod ng Meycauayan bilang Top 3 sa Special Award, Top Intellectual Property Filer.

 

 

Samantala, binigyang-diin naman ni Kalihim Alfredo E. Pascual ng DTI ang mga gampanin ng bawat lokal na pamahalaan sa pangkalahatang pag-unlad at katatagan ng bansa.

 

 

“Our cities and communities are the bedrock of our society. It is where on which bedrock, we build the Philippines. They’re the living, breathing embodiments of our competitive spirit, culture and aspirations. Ensuring their flourishing progress in a world in flux is not just a goal; it is a shared duty that binds us all,” pahayag ni Kalihim Pascual.

 

 

Sa kanyang mensahe, nangako si Gob. Daniel R. Fernando na lalo pang magsusumikap para sa kahusayan ng lalawigan.

 

 

“Habang patuloy na umuunlad at yumayabong ang Bulacan, handa itong tumanggap pa ng mga mamumuhunan, lumikha ng mga trabaho, at magbigay ng mas mataas na kalidad na pamumuhay sa mga residente nito. Sa malinaw nitong bisyon para sa hinaharap at matibay na mga komunidad, ang Bulacan ay nakatakdang umangat pa sa darating na panahon, patunay na isa ito sa most competitive at progresibong lalawigan sa Pilipinas,” ani Fernando.

 

 

Ang Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) ay isang taunang pagraranggo sa mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na binuo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) upang higit pang palakasin ang local competitiveness batay sa Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.

Other News
  • Transport advocacy group, nanawagan sa Marcos admin na resolbahin ang problema sa transportasyon sa bansa

    NANAWAGAN ang isang transpory advocacy group sa Marcos administration na resolbahin ang mga balakid sa transportasyon sa bansa na nagdudulot ng stress sa mga manggagawang commuters na nahihirapan sa pagsakay para makapasok sakanilang mga trabaho at pauwi ng bahay sa araw-araw.       Iginiit ni Passenger Forum Convener Primo Morillo na kailangan ng long-term […]

  • KRIS, patuloy na lalaban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY; tumutulong pa rin sa kabila ng pinagdaraanan

    SA latest IG post ni Kris Aquino, ipinakita niya ang kanyang hitsura na papayat nang papayat habang nakikipaglaban sa kanyang sakit.     Makikita na tinutukan siya ng gamot at nilalagyan ng IV, na kahit mararamadam mo ang sakit, nakukuha pa rin niyang ngumiti at magpasalamant sa nurse.     Kasama rin ang post ang […]

  • Normal ang operasyon ng PUVs sa bansa-Malakanyang

    TINIYAK ng Malakanyang na walang magiging aberya maliban sa kaunting ruta sa  National Capital Region (NCR) sa gitna ng  nagpapatuloy na  transport group strike. Tinukoy ang mga ulat mula sa  DOTr, LTFRB, MMDA at PNP, sinabi ng Malakanyang na sa pamamagitan ng  Libreng Sakay program, nagbigay ang gobyerno ng libreng sakay para sa mga commuters […]