• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, walang community transmission ng UK, South African variants

LUNGSOD NG MALOLOS– Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na sa ngayon ay wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng Bulacan ng anumang COVID-19 variant partikular na ng UK at South African variant.

 

 

Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na tatlong returning Overseas Filipino Worker (OFW) sa Bulacan na positibo sa bagong variant ng COVID-19 kung saan dalawa dito ay may UK variant at isang may South African variant nang sila ay dumating sa bansa galing sa Middle East noong Pebrero 2021.

 

 

Dalawa sa kanila ang walang sintomas o asymptomatic at ang isa ay may mild o bahagyang sintomas na ubo at sipon. Sila ay na-quarantine pagdating sa bansa sa pamamagitan ng OWWA Quarantine Operations.

 

 

“Nakatapos na ng quarantine ang mga returning OFWs nang lumabas ang resulta ng genome sequencing o ang proseso na isinasagawa upang malaman ang COVID-19 variant”, ani Celis.

 

 

Dagdag pa niya, “Kahit na recovered ang mga ito, mabilis paring naisagawa ang contact tracing at na-identify ang close contact at ang muling pag-quarantine sa mga returning OFWs gayundin ang pagsasagawa ng RT-PCR test sa mga close contact kung saan negatibo ang lumabas na resulta ng karamihan sa mga ito. Habang ang isang nagpositibo na close contact ay isasailalim din sa genome sequencing.”

 

 

Kaugnay nito, nakatakdang i-swab ulit ang dalawang pasyente na nagkaroon ng UK variants sa ika-15 at 19 ng Marso bilang pag-take ng extra precaution.

 

 

Ani Gob. Daniel R. Fernando, “sinusubaybayan natin ang sitwasyon dito sa bulacan at mahigpit na minamatyagan ang mga kaso lalu na sa mga bayang malapit sa Metro Manila. Magpapatuloy din ang ating selective lockdown sa mga pook o sitio na magtatala ng mataas na kaso. Ito ay isinasagawa lamang natin alang-alang sa kaligtasan ng publiko.”

 

 

Dagdag pa niya, “sa araw na ito, ako ay mahigpit na nananawagan ng sama-samang panalangin sa ating makapangyarihang Diyos. Una sa lahat, habang di pa completely natatapos ang pagbabakuna, paigtingin ang pagpapatupad ng minimum health standards, mag-ingat po tayo at huwag na huwag magpabaya. Huwag pong ipagwalang bahala ang minumum health standards (face mask, face shield, physical distancing). Sa patnubay ng Diyos, ang health protocols na ito ang nagligtas sa ating buhay at ang pagpapabaya dito ay mangangahulugan ng ating kapahamakan.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kaya kanselado na ang ilang tour dates ng concert: JUSTIN BIEBER, ni-reveal na nakikipaglaban sa lumalalang ‘Ramsay Hunt Syndrome’

    ANG bagong pelikula ni Lav Diaz na Isang Salaysay ng Karahasang Pilipino ay mag-premiere sa France sa July.       Mag-compete ito sa 33rd Marseille International Film Festival (FIDMarseille), mula July 5 to 11. May international title ito na A Tale of Filipino Violence.       Ang naturang pelikula ay hango sa Palanca […]

  • Tiyak na maraming makaka-relate sa ‘Ang Kwento ni Makoy’: BUBOY at BELLA, magpapakilig at magpapaluha sa kanilang unang pagtatambal

    PALABAS na ngayon sa mga sinehan ang romcom movie na “Ang Kwento ni Makoy” na pinagbibidahan ng former child star-turned-comedian na si Buboy Villar at ka-partner niya ang promising actress na si Bella Thompson.     Ang inspirational movie na magpapakilig at magpapaluha sa manonood ay tungkol sa isang masayahin at mapagmalasakit na nurse na […]

  • Mas mabigat na parusa at multa sa paglabag sa OSH law

    MATAPOS  ang naganap na pagbagsak ng scaffolding sa Quezon City na ikinasawi ng isang trabahador, hiniling ng women workers group ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa mga lababag sa Occupational Safety Health (OSH) law.     Tanong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) kung ilan pang manggagawa ang masasawi sa trabaho […]