Bulkang Taal nag-alboroto, alert level 3 itinaas
- Published on March 28, 2022
- by @peoplesbalita
ITINAAS na sa Alert level 3 ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas dahil sa patuloy na pag-aalboroto.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagbuga ang bulkan ng plumes na 1500 metro na may kasamang volcanic earthquake at infrasound signals.
Sa tala ng Taal Volcano Network, nagkaroon din ng 9 volcanic quakes, kabilang ang 3 tremor events na tumagal ng 1-3 minuto, at 6 low-frequency volcanic quakes.
May naganap din na upwelling ng mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Crater na lumikha ng plume na may taas na 1,200 metro na napadpad sa hilagang-kanluran.
Nagkaroon din ng pagbuga ng sulfur dioxide (SO2) o asupre mula sa bulkan na may humigit-kumulang 6,957 tonelada kada araw.
Dahil nakataas na ngayon sa Alert Level 3 ang bulkan, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko sa posibleng steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas na maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island ( TVI).
Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na Permanent Danger Zone (PDZ) ng Taal, lalo na sa may Main Crater at ng Daang Kastila fissure.
Pinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa may Taal volcano dahil sa naglipanang abo at posibleng pagtalsik sa himpapawid ng maiinit na bato na maaaring idulot ng isang biglaang pagputok ng bulkan.
Pinapayuhan ng Phivolcs ang mga residente sa Taal Volcano Island at sa Barangay Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo at Boso-bobo, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel na lumikas na sa posibilidad na magkaroon ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami.
May mga residente na sa Agoncillo ang nagsilikas matapos makaranas ng tila ash fall ng bulkan. Sa bahagi ng Barangay Banyaga ay umuulan na umano ng buhangin.
Ayon sa Agoncillo local government sa report nito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 160 families o 800 katao na ang nailikas.
Limang paaralan at isang covered court ang ginagamit na ngayon bilang pansamantalang evacuation centers.
Sa Laurel town, ay nagsimula na rin umanong magsilikas ang mga residente partikular sa 3 barangay malapit sa Taal Volcano.
Samantala, mahigit sa 900 pamilya mula sa ilang mga barangay sa munisipalidad ng Agoncillo at Laurel sa Batangas ang lumikas matapos na magkaroon ng phreatomagmatic bursts sa Taal Volcano.
Ayon kay Batangas Provincial Social Welfare and Development Office head Joy Montalbo, 498 pamilya o 1,767 katao sa Agoncillo ang lumikas.
Samantala, hanggang kaninang alas-5:00 ng umaga, 479 pamilya o 1,616 katao sa Laurel ang lumikas, ayon naman kay Jerwin Tambogon, public information officer ng Laurel Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sinabi ni Montalbo na papayagan lamang ang mga residente na bumalik sa kanilang bahay sa oras na maibaba na ng PHIVOLCS sa Alert Level 2 ang kasalukuyang Alert Level 3.
Itinaas ng PHIVOLCS ang Alert Level sa Taal Volcano dahil sa magmatic unrest nito.
Ito ay kasunod ng “short-lived phreatomagmatic burst” na naitala sa main crater ng Taal Volcano kahapon ng alas-7:22 ng umaga na sinundan pa ng “nearly continuous phreatomagmatic activity” na nakapag-generate ng 1,500 meter na taas ng plumes at volcanic earthquake at infrasound signals.
-
Ads September 10, 2024
-
Robredo camp sa electoral protest: ‘Matagal nang talo si Marcos; tapusin na natin ito’
UMAASA ang kampo ni Vice President Leni Robredo na paninindigan ng Supreme Court, bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang desisyon nito sa election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos. Nitong araw nang atasan ng PET ang Commission on Elections (Comelec) at Office of the Solicitor General na maghain ng komento sa mga nakabinbin pang […]
-
Huling post nang hamunin si Sen. Bato Dela Rosa: GRETCHEN, baka may pinagdaraanan kaya nag-deactivate ng IG account
KUNG hindi kami nagkakamali, ang huling Instagram post ni Gretchen Barreto ay nang hamunin nito si Senator Bato dela Rosa. Hinamon ni Gretchen si Bato na sabihin lang daw nito kung saan at kailan at dadalhin niya ang ebidensiya na ito ay totoo namang tumataya sa online o e-sabong. ‘Yun nga […]