Bulls jersey ni Jordan posibleng mabili sa auction ng $500-K
- Published on June 22, 2020
- by @peoplesbalita
Inaasahan ng Goldin Auctions na mabibili sa kalahating milyong dolyar magiging presyo ng isa sa pinakahuling Chicago Bulls jersey ni NBA legend Michael Jordan.
Ang nasabing jersey ay sinuot ni Jordan noong ’97-’98 finals na siyang huling season nito ng makaharap nila ang Indiana Pacers.
Sinuot nito ang jersey noong game 3 and 4 ng series noong Mayo 23 at 25, 1998.
Nakapagtala ang NBA star ng 30 points noong game 3 at 28 points naman noong game 4 kung saan nakuha ng Bulls ang kampeonato noon sa game 7.
Sinabi ni Ken Goldin na inaasahan na ang nasabing jersey ang siyang pinakamahalagang jersey na maibebenta.
-
Philracom Awards: ‘Union Bell’ pararangalan
ANG mala-birhen o malinis na kartada sa nagdaang 2019 racing season, pararangalan si champion horse Union Bell at owner nitong Bell Racing Stable sa isasagawang 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) Awards ngayong Linggo sa Chantilly Bar ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Iniluklok ang undisputed 2YO champion bilang 2019 Stakes Races Horse […]
-
118 na ang mga nasawi sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Agaton
Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Eastern Visayas region. Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Easter Visayas Regional Police spokesperson Colonel Ma. Bella Rentuaya na batay sa kanilang partial report ay umabot na sa 113 ang bilang ng mga nasawi nang dahil […]
-
Foreign vessel na bumangga sa mga Pinoy papanagutin – PBBM
NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na papanagutin ang foreign commercial vessel na bumangga sa sinasakyang bangka ng mga Pinoy na mangingisda na ikinasawi ng tatlo katao sa Bajo Masinloc, kamakalawa ng madaling araw. Ayon kay Marcos, gagawin lahat ng pamahalaan ang paraan para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng tatlo. […]