• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bumibili ng bakuna mananagot din – PNP

Tahasang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guil­lermo Eleazar na hindi lamang ang mga nagbebenta ng hindi awtorisadong CoViD-19 vaccine ang kanilang huhulihin kundi papanagutin din ang mga mismong tumatangkilik o bumibili nito.

 

 

Ayon kay Eleazar, hindi dapat na pagkakitaan ang bakuna sa panahon ng pandemya. Aniya, mga taong may halang lamang ang kaluluwa ang gumagawa nito.

 

 

Sinabi ni Eleazar na lumalakas ang loob ng mga iilan na magbenta ng  iligal  dahil na rin sa  kagustuhan ng ilang  consumer.

 

 

Mas makabubuti aniya kung makikipagtulungan ang publiko na madakip ang mga nagbebenta at matukoy ang nasa likod nito.

 

 

“Binabalaan din natin ang ating mga kababayan na huwag tangkilikin ito, dahil kasama kayo sa mga kakasuhan dito.”

 

 

Sinabi ni Eleazar na  inalerto na niya ang mga pulis laban sa mga mananamantala at magbebenta ng  bakuna.

 

 

Kamakalawa ay dinakip naman ng National Bureau of Investigation ang tatlo katao na iligal na pag-bebenta ng bakuna sa halagang P840,000 ang 300 dose ng CoronaVac. (Gene Adsuara)

Other News
  • 3 railway projects nabinbin

    TATLONG malalaking proyekto sa sektor ng railways ang nabinbin dahil hindi nagkasundo ang Pilipinas at China sa pagpopondo ng nasabing proyekto.       Gusto ni President Ferdinand Marcos, Jr. na magkaron ng renegotiation para sa pagpopondo nito mula sa official development assistance (ODA) ng China. Pinag-usapan ng Department of Transportation (DOTr) ang nasabing issue […]

  • P15-B katiwalian sa PhilHealth dahil sa ‘incompetent’ military appointees — grupo

    Isinisi ng mga militanteng magsasaka ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga retiradong sundalong “walang kasanayan” sa nangyayaring katiwalian diumano sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), bagay na umani ng matinding batikos sa social media noong Martes.   Kahapon lang nang ibulgar ni Thorrsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, sa Senado […]

  • Ads February 27, 2020