• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bunsod ng patuloy na umiigting na pag-atake ng Russia: Mas marami pang Pinoy, dumating sa Pinas mula Ukraine

DUMATING na sa PIlipinas, araw ng Linggo ang mas marami pang Filipino at kanilang dependents mula Ukraine.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may “4 Filipino adults, 3 Filipino-Ukrainian children at kanilang Ukranian mothers” ang dumating sa Pilipinas, araw ng Linggo via Qatar Airlines flight.

 

 

Ang grupo ay nanggaling mula sa Kyiv at iba pang lugar sa western part ng Ukraine, ay naiwan mula sa Warsaw sa Poland, araw ng Sabado.

 

 

Tinulungan ang mga ito ng Philippine officials na bumiyahe mula Kyiv papuntang Lviv, at mula Lviv patungong Warsaw. Sa pagdating sa Poland, muli silang tinulungan ng Philippine Embassy para sa pag-proseso ng kanilang travel documents at visas, at maging ang kanilang pag-byahe at COVID-19 tests.

 

 

Isa pang grupo ng “2 Filipino adults, a Filipino-Ukrainian child at kanyang Ukrainian mother” ang inaasahan na dumating sa bansa habang may grupo naman ng 3 Filipino mula Kyiv ang dumating sa bansa sa sarili nilang account.

 

 

Sa ulat, muling inatake ng Russia ang Kharkiv, ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Ukraine, sa isang pambobomba na nagpaliwanag sa skyline dahil sa mga bola ng apoy sa mga lugar na maraming naninirahan, kahit ang dalawang panig ay naghahanda upang ipagpatuloy ang pag-uusap na naglalayong ihinto ang bagong digmaan sa Europa.

 

 

Ang pagdami ng atake sa matataong lungsod ay sumunod pagkatapos ng unang round ng pag-uusap sa pagitan ng outgunned Ukraine at ng nuclear power Russia noong Lunes na nagresulta lamang sa pangako na magpupulong muli ang dalawang bansa. Hindi malinaw kung kailan mangyayari ang bagong pag-uusap – o kung ano ang magiging bunga nito. Sinabi ng lider ng Ukraine na kailangan ihinto ng Russia ang pambobomba bago maganap ang isa pang pagpupulong.

 

 

Binatikos ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pambobomba ng Russia bilang isang lantarang terror campaign, habang nagbabala si U.S. President Joe Biden noong Martes na kung ang pinuno ng Russia ay hindi magbabayad para sa pagsalakay, hindi hihinto ang agresyon sa isang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Jurassic World Dominion Star Reveals New Character Backstory Details

    Jurassic World Dominion star DeWanda Wise reveals details about her character’s backstory.   The upcoming film will be the sixth in the franchise and will apparently conclude the story that first started with Jurassic Park in 1993. Set four years after the conclusion of Jurassic World: Fallen Kingdom, where the original theme parks were destroyed […]

  • Bella Belen nakatutok sa UAAP crown

    Desidido si reigning UAAP MVP Bella Belen na tulungan ang National University na makopo ang back-to-back titles sa UAAP Season 87 wo­men’s volleyball tournament.       Nasa alapaap pa ang Lady Bulldogs matapos makumpleto ang three-peat sa 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-Season Championship.     Naisakatuparan ito ng NU nang pataubin nito ng […]

  • PBBM, tinitingnan ang Japanese investments sa Philippine agriculture

    TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-usap sa Japanese o Hapones hinggil sa investments sa  agricultural sector sa Pilipinas at sa agricultural products nito na pumapasok sa Japanese market.     Binanggit ito ni Pangulong Marcos  habang sakay  ng PR001 patungo sa kanyang official visit sa Japan.     “Number one, that opens up […]