BUNTIS, 2 ELECTRICIAN KULONG SA BARIL AT P170K SHABU SA CALOOCAN
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug pushers kabilang ang 18-anyos na buntis matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina John Patrick Chico, 20, electrician, Mark Anthony Asor, 21, electrician at Janelle Gozo, 18, pawang ng Brgy. 150, Bagong Barrio.
Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong validation at surveillance.
Nang makumpirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang Bagong Barrio Police Sub-Station 5 at 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy-bust operation sa Moises St., Brgy. 150, Bagong Barrio dakong alas-9:30 ng gabi kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng droga.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium transparent plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, isang cal. 9mm pistol na kargado ng magazine at 3 bala.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591. (Richard Mesa)
-
PBBM, personal na nakiramay sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo
PERSONAL na nakiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng pinatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo. “I just came here here para makiramay sa family ni governor. Nagtatanong lang kami kung ano ba yung kailangang gawin para matulungan yung mga biktima pati yung mga nasa ospital ngayon,” ayon sa Pangulo. […]
-
Online sellers sinimulan nang patawan ng buwis
SINIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR).ang pagpapataw ng withholding tax sa mga online sellers. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ay batay sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024 na ipinalabas ng ahensiya. “Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended […]
-
Ads October 20, 2021