Buntis, nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps
- Published on June 13, 2024
- by @peoplesbalita
MAAARI nang isama ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina sa listahan ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig pa sa coverage ng 4Ps para masiguro ang kaligtasan ng mga sanggol sa unang 1,000 araw.
Nauna nang ipinanukala ng DSWD ang panukalang reporma sa 4Ps noong Pebrero kung saan nais nila itaas ang cash grants sa First 1,000 days (F1KD) ng mga bata para tumaas din ang purchasing power ng 4Ps beneficiaries at maiwasan ang malnutrisyon sa mga bata.
Kahapon sa ginanap na sectoral meeting ay inaprubahan ni Pangulong Marcos ang panukala ng DSWD na maglaan ng ayuda sa mga buntis at nagpapasusong mga ina para masiguro na mabibigyan sila ng serbisyong pangkalusugan at matugunan din ang kalusugan ng mga bata sa unang 1,000 days.
Sa ilalim ng kasalukuyang programa, ang isang 4Ps beneficiary-family ay makakatanggap ng daycare at elementary grant na P300 kada bata kada buwan sa loob ng isang buwan sa kondisyon na sila ay pumapasok sa eskwelahan; P500 kada bata tuwing isang buwan sa loob ng 10 buwan para sa junior high school at P700 kada bata tuwing isang buwan at sa loob ng 12 buwan.
-
Mahigit P1.15B na calamity loan inilabas sa halos 70K miyembro – SSS
MAHIGIT sa P1.15 bilyong halaga ng calamity loan assistance ang ipinagkaloob sa halos 70,000 typhoon-affected members sa ilalim ng Social Security System (SSS). Sa isang kalatas, sinabi ng SSS na ang halaga ay ipinalabas sa mga kinauukulang miyembro, dalawang linggo sa programa. “The series of extreme weather conditions have immensely affected our members’ […]
-
Ilang airports sa bansa sasailalim din sa privatization
MAY plano ang Department of Transportation (DOTr) na isailalim ang operasyon ng ilang airports sa bansa upang lalong gumanda ang serbisyo at upang hindi na mahirapan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagiging operator at regulator ng halos lahat ng airports sa bansa. Sa nakaraang ginawang 2024 Aviation Summit, sinabi […]
-
Kaya ‘di na makakasama sa ‘ASAP’ sa Las Vegas: SHARON, inaming tatlo sa pamilya ang nagka-Covid sa Australia
ANG dapat o nagsimula naman na masayang bakasyon ng Megastar na si Sharon Cuneta, kasama ang buong pamilya niya sa Australia ngayon ay nahaluan ng lungkot. Sa pag-uwi raw nila ng bansa, mukhang naka-caught sila ng COVID virus sa Australia. Ayon kay Sharon, tatlo raw sa family members niya ang positibo […]