• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buong linggo siyang napapanood sa primetime: RURU, thankful dahil parehong nagri-rate ang dalawang shows

THANKFUL si Kapuso Primetime Action Prince Ruru Madrid na sunud-sunod ang mga hits niya sa primetime TV.  

 

 

Ang kanyang every night title series na “Lolong” as the most watched teleserye in the Philippines to date, na umabot ng 18 million views online and a TV ratings high of 18.9.

 

 

Aliw na aliw ang mga netizens sa pagpapakita ni Ruru ng acting skills niya, his physical prowess  and going stunts at siyempre ang magnetic charm niya as an actor.

 

 

Last September 3 naman, nagsimula na si Ruru ipakita ang another side niya sa  reality show na “Running Man PH,” kasama sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Kokoy de Castro, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Buboy Aguilar.  

 

 

Ipinakita naman dito ni Ruru  ang competitive nature niya as well as his love for fun and humor.

 

 

Nakikita sa dalawang shows ni Ruru his growing fans discover his many sides.  Dahil every Sunday naman ay napapanood siya sa “All Out Sundays” nakikita naman siyang kumakanta at sumayaw.

 

 

For more of Ruru Madrid, you may follow him on his social media accounts:

 

 

Instagram -@rurumadrid8,  Facebook – Ruru Madrid,  Twitter @Rurumadrid8, YouTube – RuruMadrid

 

 

                                                            ***

 

 

KUNG follower ka nang magsimula pa lamang ang GMA Afternoon Prime na “Return to Paradise,” tiyak na mapapatanong ka kung paano nila nagagawa ang mga sexy scenes?

 

 

Ibinahagi ng mga lead stars na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva kung paano nila nagagawa ang mga sexy scenes nila. Si Derrick ay si Red Ramos at si Elle ay si Eden Santa Maria, na stranded sa isang island nang bumagsak doon ang sinasakyan nilang flight patungong Manila.

 

 

Ayon kay Derrick, iniisip nila ni Elle ang emosyon at pinagdaanan ng kanilang mga karakter sa tuwing sila ay gumagawa ng maiinit na mga eksena.

 

 

“We don’t think of the emotion and the journey of the character kasi yun yung pinaka-importante for us,” sabi ni Derrick.  “Kung ano yung mapi-feel namin as Red and Yenyen habang ginagawa namin ‘yung scene.”

 

 

“Hindi namin naiisip na kailangang ganito yung ano para mas mukha siyang sexy.  Kung ano ‘yung napi-feel naming deep inside, inilalabas lang namin sa isa’t isa.”

 

 

Ang “Return to Paradise” ay nagtatampok din kina Eula Valdes, Teresa Loyzaga, at Ricardo Cepeda,   Napapanood ito daily, 3:20PM, pagkatapos ng “Abot Kamay na Pangarap”.

 

 

                                                            ***

 

 

LAST two weeks na ng GMA Afternoon Prime na “The Fake Life,” na nagtatampok kina Ariel Rivera, Sid Lucero at Beauty Gonzalez. 

 

 

Sabik na rin ang mga televiewers kung sino ang mananalong mag-angkin sa mga anak ni Cindy (Beauty) na ang tunay na ama ay si Mark (Sid) pero ang nagpalaki ay si Onats (Ariel).

 

 

Hindi ipinagtapat ni Cindy na dalawang beses siyang nabuntis ng boyfriend na si Mark noon samantalang mag-asawa na sila ni Onats.  Nalaman na lamang ni Onats ang totoo nang magpa-DNA test sila.

 

 

Kayo mga dear viewers ng “The Fake Life,” sino sa palagay ninyo ang magiging tunay na ama nina Jonjon at Jaycie?  Napapanood ang serye pagkatapos ng “Return to Paradise”.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • NCH NASUNGKIT ANG HOSPITAL STAR AWARD

    MULING kinilala ng Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau, ang Navotas City Hospital (NCH) bilang isa sa Top 15 Level 1 na ospital sa bansa.     Ang pagkilalang ito ay ibinigay sa NCH para sa pagtataguyod ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan habang patuloy na naghahanap ng pagbabago […]

  • NAVOTAS PATULOY ANG PAMIMIGAY NG RELIEF PACKS

    PATULOY ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mamamayan ng relief packs makaraang ibalik at pahabain pa ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.     Umabot na sa 15,501 mga pamilyang Navoteño ang nabigyan ng relief packs na naglalaman ng limang kilong bigas, walong pirasong assorted canned goods […]

  • P37-P50/litro ng petrolyo, hirit

    UMAPELA ang transport group sa pamahalaan na umaksiyon upang mapababa pa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa ng mula P37 hanggang P50.     Ayon kay Pinagka-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) national president Mody Floranda, ikinatutuwa nila ang nakaambang na panibagong round ng bawas sa presyo ng mga petroleum […]