• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buong mundo “malulusaw” kung gagamitin ni Putin ang nuclear weapons laban sa Ukraine- Pangulong Duterte

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng “worst possible outcome” para sa buong mundo sa gitna ng patuloy na banta ng Russia sa posibilidad na gamitin ang tactical o low-yield nuclear weapons laban sa Ukraine.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa Lapu-Lapu City, Cebu sa idinaos na 501 taong anibersaryo ng Victory of Mactan, nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Duterte sa nuclear threats ni Russian President Vladmir Putin at mangamba na ito na ang maging katapusan ng mundo.

 

 

“Putin’s threat is not good. If he really presses the button there and it goes nuclear and they use nuclear armaments, I think that my brother Lapulapu is waiting for all of us there in heaven because the world will melt,” ayon sa Pangulo.

 

 

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye si Pangulong Duterte subalit iginiit nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng posisyon sa ginawang pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

 

 

“Our history is evolving, the history of our world. How we react, how we define ourselves, how we would stand in this conflict if it really goes nuclear,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo.

 

 

Matatandaang, nanindigan si Pangulong Duterte na dapat ay manatiling neutral ang Pilipinas hinggil sa nagpapatuloy na sigalot ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Ipinahayag ito ng pangulo sa kanyang naging talumpati sa Palo, Leyte at sinabing mas makakabuti para sa bansa na hindi makisali dito sa kadahilanang hindi dapat madamay o makaladkad ang Pilipinas sa naturang sitwasyon ng krisis.

 

 

Hangga’t siya ang tumatayong presidente ng Pilipinas ay sinabi rin ni Duterte na tatanggi siya na magpadala ng mga sundalong Pilipino sa bansang sinalanta ng digmaan kahit na maging kahilingan pa ito ng Estados Unidos dahil sa pangamba na ito ay maaaring mag resulta lamang ng spill over na magdudulot ng aktwal na giyera dito sa Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • Angkas, JoyRide binigyan ng PA

    Ang motorcycle taxi ride-hailing services na Angkas at JoyRide ay binigyan ng provisional authority ng motorcycle taxi technical working group (TWG) upang pansamatalang magkaron ng operasyon  sa Metro Manila.   Bawat isang kumpanya ay binigyan ng PA upang magkaron ng operasyon mula Nov. 24 hanggang Dec. 9 ng TWG “pending confirmation of compliance and to […]

  • Ads August 12, 2023

  • Ads March 7, 2023