Buong Pilipinas isinailalim na sa State of Public Health Emergency
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa State of Public Health Emergency bilang hakbang laban sa coronavirus disease (COVID-19) kasunod ng pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng sakit.
Mula noong Biyernes, nadagdagan ng 7 ang kumpir-madong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Dahil dito, umakyat na sa 10 ang bagong kaso at sa kabuuan ay 20 ang bilang ng may COVID-19 sa Pilipinas.
“The outbreak of COVID-19 constitutes an emergency that threatens national security which requires a whole-of-government response,” sabi ni Duterte sa Proclamation No. 922, na nilagdaan noong Linggo, 3 linggo matapos irekomenda ng DOH ang pagdeklara ng public health emergency.
Sa ilalim ng state of public health emergency, mapabibilis ang pag-access sa pondo at pag-procure sa mga kagamitang kakailanganin para labanan ang sakit.
Magiging mandatory din umano sa mga ospital na i-report ang mga kaso ng COVID-19 na dinadala sa kanila.
Mananatili ang bansa sa ilalim ng state of public health emergency hangga’t hindi binabawi ni Duterte.
Kinumpirma naman nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Marikina Mayor Marcelino Teodoro, at Pasig Mayor Vico Sotto na nasa kani-kanilang mga nasasakupang lungsod ang ilan sa 10 kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Inihayag ng mga alkalde na nagsasagawa na sila ng contact tracing o pinaghahanap na ang mga taong posibleng naka-salamuha ng mga pasyente.
Sinuspinde na rin ng Department of Education ang ilang national at regional event na nilalahukan ng mga estudyante, kabilang ang mga regional meet ng Palaro, bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.
Nagkansela rin ng pasok kahapon ang ilang lokal na pamahalaan bunsod ng virus. Ang ilan sa mga class suspension ay tatagal hanggang isang linggo.
Noong Biyernes, 3 kaso ng novel coronavirus pa lang ang naiulat sa bansa, na nakita sa 3 turista galing sa lungsod ng Wuhan, China, kung saan sinasabing nagmula ang virus. Ang isa sa 3 pasyente ay pumanaw habang ang 2 ay gumaling at nakabalik na sa China. (Daris Jose)
-
COVID-19 sa Pinas pumapatag na – DOH
NAKITAAN na ng pag-uumpisa ng pagpatag ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa base sa pag-aanalisa ng datos ng Department of Health (DOH). “NCR Plus areas initially showed sharp decline in cases,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. “NCR Plus and all island groups show plateauing,” dagdag niya. Sinabi niya […]
-
Sa halip na magpasa ng mga batas na makatutulong: Sen. ROBIN, nais ipa-ban ang K-dramas at pabor din si Sen. JINGGOY
HINDI kami pabor sa sinasabi nina Senator Robin Padilla at Senator Jinggoy Estrada na dapat i-ban ang mga K-dramas sa Pilipinas. Sabi ni Sen. Jinggoy, kung minsan daw ay naiisip niyang solution sa pag-angat ng TV shows ay ang pag-ban ng K-dramas. Pero ito raw ay obserbasyon lamang niya. Pareho sila […]
-
111 milyong Pinoy naserbisyuhan ng PhilHealth
NASA 111 milyong Pinoy sa buong bansa ang naserbisyuhan na ng PhilHealth. Ang ulat ay isinagawa sa ipinatawag na virtual press conference ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President and CEO Atty. Dante Gierran, VP Dra. Shirley Domingo, EVP and COO Atty. Eli Dino Santos, SM Rex Paul Recoter, Dra. Mary […]