• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bus routes sa ‘Libreng Sakay’, posibleng dagdagan

PINAG-AARALAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magdagdag pa ng mga libreng bus rides sa mas maraming ruta, sa ilalim ng kanilang ‘Libreng Sakay Program’.

 

 

Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, makikipagpulong si DOTr Secretary Jaime Bautista sa mga pinuno ng mga ahensiyang may kinalaman dito upang talakayin ang isyu.

 

 

Aniya pa, sa ngayon ay sapat lamang ang budget ng DOTr para sa kasaluku ‘yang mga ruta ng libreng sakay.

 

 

“Nire-review ‘yan nga­yon sapagkat ‘yung budget na nakalaan, of course through congressional approval at nung nakaraang administrasyon, ay sasapat lang at hindi kasama ‘yung ibang ruta na hinihi­ling nila ngayon,” paliwanag pa ni Chavez, sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

 

 

Matatandaang noong Biyernes ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpapalawig sa EDSA Carousel bus rides hanggang sa Disyembre 2022, mula sa dating hanggang Hulyo 30, 2022 lamang.

 

 

Inaprubahan din ng pangulo ang pagkakaloob ng libreng sakay para sa mga estudyante na gumagamit ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

 

 

Ipinaliwanag naman ni Chavez na hindi sustai­nable ang libreng sakay para sa lahat sa MRT-3 dahil ang naturang rail line ay mayroon lamang P82 milyong revenue collection noong Enero, habang gumastos ito ng P722 milyon para sa libreng sakay.

 

 

Hindi rin aniya maaa­ring magkaloob ng libreng sakay ang LRT-1 para sa lahat dahil ito’y nasa ilalim ng isang concession agreement sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) at walang kontrol ang pamahalaan sa operasyon at kita nito. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di makapaniwala na kasama sa sitcom ni Vic: BRUCE, tanggap ang pagkabuwag ng loveteam nila ni ALTHEA

    “YUNG role ko dito si Doe, si Doe ay isang dedicated na tao.     “Pinalaki siya sa kalye so binigyan siya ng opportunity ni Ninong Spark which is played by Jose Manalo na magkatrabaho which is delivery driver.     “Tapos nung nalaman ni Doe na may isa pang delivery driver na si Fred […]

  • Expanded Solo Parents, batas na

    BATAS na ang Expanded Solo Parents Welfare Act matapos mag “lapse into law” kung saan nadagdagan ang mga benepisyong matatanggap sa gobyerno ng mga solo parents.     Sa ilalim ng Republic Act 11861 na nag-aamiyenda sa ilang probisyon ng Republic Act 8972, lumawak ang mga pribilehiyo at benepisyo sa mga solo parents.     […]

  • 203 bagong COVID-19 cases sa Phl naitala; 41 labs ‘di nakapagsumite ng datos – DOH

    Aabot lang sa 203 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na 41 laboratoryo sa bansa ang sinuspinde ang kanilang operations at hindi nakapagsumite ng datos dahil sa Bagyong Odette.     Sinabi ng Department of Health (DOH) na 395 pa ang gumaling sa sakit, at 64 ang nadagdag sa mga nasawi.   […]