Bus sa EDSA busway, dinagdagan
- Published on January 13, 2023
- by @peoplesbalita
DINAGDAGAN pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 42 bus units na bibiyahe sa EDSA busway.
Bahagi ito ng ‘trial’ basis’ para sa mga susunod na araw.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, nagsimula ang trial/simulation ng rescueOmnibus Franchising Guidelines (OFG)-compliant bus units ng alas-6:00 ng gabi kahapon at matatapos sa Enero 16, 2023 ng 6:00 ng umaga.
“The extra units, which come from bus companies that are not members of the two big consortiums that operate on the EDSA Busway Carousel, are meant to augment the existing number of buses plying said route,” pahayag ni Guadiz.
Base sa Board Resolution No. 191, mas mababa sa requirement number of units na 80% nf authorized units ang humibiyahe.
“The provision of these ‘rescue’ units have been discussed with the two bus consortiums already. Rescue buses were being utilized when there is an established increase in passenger demand and the number of deployed units is insufficient to render efficient service,” pahayag ni Guadiz.
Imo-monitor ang bagong programa sa pamamagitan ng online sa LTFRB’s Franchise Planning and Monitoring Division (FPMD), katuwang ang safetravelph.
Pag-aaralan ng LTFRB ang programa matapos ang pitong araw.
Sa ilalim ng bagong guidelines, magsisimula ng mag-operate ang rescue units ng 12 oras mula alas -6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.
Pagkatapos nito ay magiging 20-hour run by the regular buses mula alas-4 ng madaling araw hanggang 12 midnight. (Daris Jose)
-
Exploring Riley’s Teenage Mind: Pixar’s “Inside Out 2” Tackles Anxiety and Joy
DISNEY and Pixar’s highly anticipated sequel, “Inside Out 2,” is set to hit cinemas nationwide next week, on June 12. Picking up from the last scene of the beloved 2015 film “Inside Out,” the new installment delves into the vibrant and tumultuous world of Riley’s mind as she steps into her teenage years. […]
-
EU, nagpalabas ng P12.4-M na tulong para sa mga Filipinong biktima ni ‘Enteng’
NAGPALABAS ang European Union (EU) ng EUR200,000 o P12.4 milyon na emergency assistance para tulungan ang Pilipinas sa pagtugon sa mga iniwang nasira ni Tropical Storm Enteng na may international name na Typhoon Yagi, ilang linggo na ang nakalilipas. Ang bagong pondo ay bahagi ng EUR2.2 million o P136.8 milyon na aid package […]
-
3 sasakyan inararo ng SUV sa Malabon, 2 patay, 2 sugatan
HINDI bababa sa dalawang katao ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang dalawa pa matapos araruhin ng isang Mitsubishi Xpander wagon ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang tricycle sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Si Nobelia Esto, 54 ng Gulayan St. Brgy. Catmon, pasahero ng tricycle na minamaneho ni Norberto Pinurla, […]