• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bus vs ambulansya: 8 sugatan

Nasa walong katao ang nasugatan matapos na magbanggaan ang isang bus at ambulansya sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

 

 

Hindi kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng mga sugatang biktima na kinabibilangan ng driver ng bus na nakilalang si Alber Lappay, 38,  ang kanyang konduktor at anim na mga pasahero, na pawang isinugod sa Mandaluyong Medical Center upang malapatan ng lunas.

 

 

Nabatid na isa sa mga biktima ay nasa kritikal na kondisyon matapos na tumilapon palabas ng bus dahil sa lakas ng impact nang pagka­kabangga habang naipit naman sa manibela ang driver ng bus.

 

 

Wala naman umanong laman ang ambulansiya nang mangyari ang aksidente bago mag-alas-8:00 ng gabi sa EDSA Shaw tunnel sa Mandaluyong City.

 

 

Ayon kay Bong Nebrija, hepe ng EDSA special traffic and transport zone division ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nasa regular lane ang ambulansya ng First Cabuyao Hospital, na may plakang DAL-4329, at minamaneho ni Jonil Pepito, 24, ngunit bigla itong pumasok sa bus lane, sanhi upang mabangga ang paparating naman na EDSA Carousel bus, na isang Jell Transit Bus (CS-U1L885), may sakay na at minamaneho naman ni Lappa.

 

 

Nasalpok ng bus ang ambulansiya at tumaob, habang tumagilid naman ang bus sa kalye bago tuluyang tumama sa isang poste ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa center island ng EDSA tunnel, kaya’t nawasak ang bahagi ng center island.

 

 

“Kritikal sa kanila ‘yung pasahero na … well, apparently nung pagka-hit, eh tumilapon sa labas. Inabutan namin po siya sa kalsada,” ani Nebrija.

 

 

Nilinaw naman ni Nebrija na maaari namang gamitin ng ambulansiya ang bus way, ngunit priority pa rin dito ang mga bus.

 

 

“Eh, lalu-lalo na itong ambulansyang ito, wala namang laman. Ang kine-claim niya may pi-pickapin siyang pas­yente. I do not know what’s the level of emergency nung pipickupin niya,” dagdag pa ng MMDA official. Nabatid na wala namang CCTV camera sa bahaging iyon ng EDSA dahil katatanggal lang daw ng MMDA para sa maintenance.

 

 

Kinailangan ding isarado ang tunnel para sa clearing operations. (Gene Adsuara)

Other News
  • Utang ng Pilipinas ‘record-high’ na naman sa P13.64 trilyon nitong Oktubre

    TUMUNTONG  na sa P13.64 trilyon ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng Oktubre 2022, bagay na nangyayari sa gitna ng 14-year high inflation rate at kontrobersyal na panukalang Maharlika Wealth Fund. Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury, Miyerkules, matapos madagdagan ng P124.92 bilyon ang halagang hiniram ng gobyerno. Nasa 0.92% pag-akyat […]

  • MGA KABASTUSAN sa mga JEEP at TRICYCLES, IAYOS NA RIN!

    May isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumibyahe.   Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep.  Gaya raw halimbawa ng […]

  • Ads December 8, 2023