• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Business tycoon na si Enrique Razon, nagboluntaryong magpagamit ng sariling barko at eroplano

IBINALITA ng Malakanyang sa publiko na nagbigay na ng kanyang commitment para makatulong sa pamahalaan ang business tycoon na si Enrique Razon.

Ito ang ipinarating na ulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa harap ng nakagiya ng pagkuha ng gobyerno ng bakuna kontra sa COVID 19.

Batay sa ipinresentang report sa Chief Executive, nagbitiw na umano ng pangako si Razon na siya na ang kukuha ng supply ng Moderna vaccine sa Spain gamit ang kanyang mga barko at mga eroplano

“Iyong Moderna, nag-negotiate po kami kahapon ng umaga at positive rin po. At nangako po si Sir Enrique Razon na siya na po ang kukuha sa Spain ng mga supplies, pro bono. Ang kanyang mga barko at saka mga — ang kanyang mga ano, mga airplane ang kukuha no’n para at least dalhin po dito sa atin ang vaccine,” ayon kay Sec. Roque.

“At mayroon po tayo na naka-allocate na  — nag-e-explore tayo na baka ang LGU rin po at saka ‘yung mga private sector ay puwedeng ano, puwedeng kumuha ng Moderna through the tripartite agreement,” dagdag na pahayag nito.

Pro- bono o libre aniya ang inisyatibo ni Razon ayon kay Galvez.

Bukod dito ay nag-oorganisa din umano si Razon ng isa pang inisyatibo na makapangalap ng COVID vaccine doses bilang donasyon sa gobyerno.

Minimum na 3 to 5 million doses ani Galvez ang target nito na kanyang kukunin mula sa business sector.

“At nangako rin po si Sir Enrique Razon na kakalapin niya po ang mga business sector para makakuha po ng at least at a minimum mga 3 to 5 million po na doses para sa ating mga workers at donation po sa government,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ‘Kapalaran’ ni GARY, bagay na bagay sa themesong ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ kaya napili ni COCO

    SA celebrity screening ng pilot episode ng ‘FPJ’s Batang Quiapo’ namin unang narinig ang bagong version ni Gary Valenciano ng ‘Kapalaran’ na pinasikat noong ’70s ni Rico J. Puno, na may kurot sa puso habang pinakikita ang mabigat na eksena ni Miles Ocampo na kung saan nanganganak siya sa loob ng isang palengke.     […]

  • Dahil sa pinagsasabi niya habang nasa Kakampinks rally: MELAI, pinagbantaan kasama ang mga anak kaya umaapela na mahanap ang BBM supporter

    MAY bagong album si Ronnie Liang which he recorded para sa 125th Founding Anniversary ng Philippine Army.     has 12 songs at isa rito ay may titulong ‘Para sa Kapayapaan’ which has a matching music video.     Ang mga awitin na nakapaloob sa album were composed by the soldiers themselves.     The songs […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers

    INAPRUBAHAN  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31.    Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, na ipinalabas araw ng Miyerkules, […]