Buti na lang at natapos sa tulong ng mga nanood ng concert: SHARON, emosyonal pa rin ‘pag kinakanta ang ‘Bituing Walang Ningning’ dahil kay CHERIE
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
NAGING matagumpay ang first leg ng concert ni Megastar Sharon Cuneta sa Adelaide, Australia last October 15.
Sa kanyang IG post nagpasalamat nga siya sa mga nanood, “One down, three to go in Australia! Thank you, ADELAIDE for coming to my show last night and for all your love.❤️❤️❤️ I love you all!!! See you soonest, PERTH! (First few MEGA lightsticks ever sold and used by audience last night too!)”
Happy nga si Sharon at mga fans, dahil nagamit na nila ang lightsticks na Korean inspired. Pinakita ang photo ng audience na kung saan proud silang nagsu-sway ng lightsticks habang nanoood ng concert. Wish tuloy ng mga Sharmy sa ‘Pinas, sana raw sa susunod na concert niya ay makabili na rin sila, para ma-experience nila ang kakaibang happiness.
Today, October 22 nga ang concert ni Sharon sa Perth, next sa naman Sydney (Oct. 28) at panghuli sa Melbourner (Oct. 29).
Samantala, hindi pa rin napigilan ni Mega na maging emotional ng kantahin ang kantang malapit na malapit sa kanila ng namayapang kaibigan na aktres na si Cherie Gil.
Sa isa pang IG post, ibinahagi niya ang isang video na may caption na…
Verified
“First time to sing “Bituing Walang Ningning” in a concert since my Cherie passed two months and eleven days ago…Di ko alam paano ko kakantahin kagabi…but I know somehow that she was right beside me…🙏🏻❤️❤️❤️”
Kaya naman maraming nag-react na netizens, na karamihan ang pumuri sa kanyang mapusong pagkanta at nawala talaga ang mga nega comments. Kaya say nila:
“Pag si sharon kumanta ramdam na ramdam ang emotion bawat words.”
“Kaya sya naging successful singer din.”
“Pero magaling din un audience. Sinalo siya kasi emotional na siya.”
“Try to listen to Cherie Gil’s solo version of this song nung 80’s kikilabutan ka rin!”
“Ang ganda ni sharon huh!”
“Iba talaga ang story telling skills ni Madam. She may not sing perfectly but what she lacks in technique she more than made up for in her interpretation. It’s always very soulful. Ganda! Naluha ako.”
“And that is Sharon Cuneta for you. Legend!”
“Iba talaga ang mga icons. Kahit hindi kumilos, dama mo talaga kung umawit!”
“It’s indeed, emotional. No one sings a love song like Sharon Cuneta! Ito yung tatak Sharon eh. Yung umiiyak yung boses tapos malalaman mo na Lang na tumulo na pala ang luha mo!”
“Ito talaga yung isa sa mga legacy ni Sharon Cuneta! Yung napakarami niyang hit songs na niremake na ng kung sinu-sino!”
“Hindi mo talaga kailangan bumirit para masabi na mahusay ka. Ganda ng interpretation ni Mega!”
“Nakakaiyak at umiyak nga ako.”
“Husay pa rin ni Mega!”
“Sharon a good story teller when she sings, ramdam na ramdam mo kaya she also dominated the music and concert scene FACTS.”
“That was great Mega! 😘”
Dagdag papuri ng iba…
“Saka c Sharon hinde kagaya ng ibang artista na dinadahilan ang pagod kaya nagsisimangot sa fans. Katwiran kase ni sharon nagpunta ang fans para makita sila. Ano ba naman ang konteng kaway at konteng ngiti. Hindi ako Sharonian pero halos lahat ng movie ni Sharon napanood ko. Magaganda naman kse.”
“Ilang beses na ako nakapagpapicture kay Mega. Sobrang accommodating niya! Sobrang ganda at kinis pa!
“Taas kamay ko sa’yo, Miss Sharon!”
“Kinilabutan ako. Plus ang sexy na ni Mega.”
“Ang puti-puti din pala ni Sharon Cuneta no!”
“Grabe kahit corny movies noon, nagagandahan ako sa mga movies niya and pati songs, bagay lahat sa kanya. She is still the Megastar for a reason”
Say ng ilang netizens tungkol sa mga papuri kay Sharon…
“Naku puede naman pala tayong maging mabait sa comments natin eh. Good job, mga baks!”
“Gagaling nyo mga baks! Bait lang tayo ha.. dami na masama sa mundo wag na nating dagdagan hehe.”
(ROHN ROMULO)
-
Conor McGregor planong lumaban muli sa UFC
PLANO ni dating two-division UFC world champion Conor McGregor na muling sa lumaban sa octagon. Ito ang kinumpirma ni UFC President Dana White kung saan maaaring gawin ito sa huling bahagi ng taon o sa susunod na taon. Dagdag pa ni White na inalok ang Irish fighter ng pelikula subalit mas […]
-
P889M na ang running total worldwide gross… ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, kumpirmadong ‘highest grossing Filipino of all time’
KUMPIRMADO na ang 49th MMFF entry na ‘Rewind’ na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na ang may hawak ng ‘highest grossing Filipino film of all time’. Patuloy ngang binabasag ang mga box office records ng naturang pelikula na produced ng Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na as of January […]
-
PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA
KINUMPIRMA ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod. Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac […]