Buwenamanong gold ng Pinas
- Published on May 13, 2022
- by @peoplesbalita
IBINIGAY ni Mary Francine Padios ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games makaraang magwagi sa women’s pencak silat seni (artistic/form) tunggal single event sa Bac Tu Lien Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.
Humugot ang 17-anyos na tubong Kalibo, Aklan ng lakas ng loob mula sa kanyang amang nakaratay ngayon sa coma matapos ang isang malagim na car accident bago mag-Pasko.
Umiskor si Padios ng 9.960 points para sapawan si 2019 winner Arum Sari (9.945 points) ng Indonesia.
Ito ang unang gold medal ni Padios sa SEA Games matapos makuntento sa silver noong 2019 Manila edition na pinagharian ng Team Philippines.
Nakahugot din ang Team Philippines ng tatlong silver at apat na bronze medals para upuan ang No. 4 seat sa medal tally board sa ilalim ng Vietnam (7-5-7), Malaysia (6-1-5) at Indonesia (3-4-0).
“I’m keeping my faith in the heart of our national athletes to overcome and come home victorious,” ani Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Nagmula ang tatlong silver medal kay Helen Aclopen sa women’s minus 48kgs ng kurash, sa men’s beach handball team at kina Tokyo Olympic Games campaigner Cris Nievarez at Christian Joseph Jasmin sa men’s doubles lightweight sculls sa rowing.
Ang apat na bronze medals ay ambag nina Charmea Quelino, George Baclagan at Renzo Cazeñas sa kurash at Joannie del Gaco, Amelyn Pagulauyan, Mireille Cua at Kristine Paraon sa women’s quadruple sculls sa rowing.
Samantala, maagang dumating sa Hanoi si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz para sa asam na back-to-back gold medal sa women’s 55kg category.
Sa Mayo 20 pa sasalang si Diaz habang darating naman ang iba pang miyembro ng national weightlifting team sa Mayo 16.
-
Nakatagpo na rin ng makakasama habang buhay: LJ, engaged na sa non-showbiz boyfriend na si PHILIP
ENGAGED na ang dating Kapuso actress na si LJ Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista, ayon ito sa name na naka-tag sa kanyang Instagram at Facebook post. Makikita nga ang series of photos sa proposal ng kanyang guwapong fiancé na kuha sa isang beach resort. Isa rito ang nakakikilig […]
-
PBBM sa ‘BAGONG PILIPINO’ : ipagdiwang ang pagmamahal sa sarili sa Araw ng mga Puso
IPAGDIWANG ang pagmamahal sa sarili ang “friendly reminder” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga “Bagong Pilipino” ngayong nalalapit na ang Araw ng mga Puso. Sa short video message ng Chief Executive sa kanyang official Instagram account, sinabi ni Pangulong Marcos na alam ng mga “Bagong Pilipino” kung paano pangangalagaan ang kanilang sarili. […]
-
Nang tinawag na ‘next John Lloyd Cruz’: JOSHUA, honored at inaming nakatulong sa pagiging aktor
WALANG ibang maaaring mag-claim na siya ang “next John Lloyd Cruz” kundi si Joshua Garcia. At ano kaya ang reaksyon ng “Unbreak My Heart” actor tungkol dito? “Sobrang flattering, parang gusto ko lang na maglaho na parang bula,” sabi ni Joshua sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes. […]