• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caballero swak sa 2021 World Indoor Rowing

PINAGWAGIAN ni Melcah Jen Caballero ang kapapalaot na Asian Continental Qualifier women’s 500-meter race sa 1 minute at 40.6 seconds clocking magmartsa sa 2021 World Rowing Indoor Championships sa Pebrero 27.

 

 

May halos isang buong bangka ang inilamang ng 23-anyos na Bikolanang naninirahan sa Camarines Sur laban sa pumangalawa’t pumangatlo sa kanyang sina Soaad Alfaqaan ng Kuwait at Puttharaksa Negree ng Thailand na mga nagposte 1:43.2 at 1:14.3 oras.

 

 

Dinaos na online at indoor na may rowing machine na nakakabit sa race system, pinagdiinan ni Caballero na hindi tsamba ang pagdaklot niya ng dalawang gold medal sa 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’s lightweight single sculls at women’s double sculls katerno si Joanie Delgaco.

 

 

Nasa kukote rin ng Pinay rower sa ngayon na makahabol pa sa Olympic Qualifying Tournament  sa  Asian & Oceania Continental Qualification Regatta sa Tokyo, Japan sa Mayo 5-7 o sa Final Qualification Regatta sa May 16-18 sa Lucerne, Switzerland.

 

 

Sa kasaysayan, wala pang nag-qualify na Pinay sa sport sa Summer Olympic Games. Pero may dalawang Pinoy na, sila ay sina Edgardo Maerina sa 1988 Seoul Games at Benjamin Tolentino Jr. sa 2000 Sydney Olympics. (REC)

Other News
  • Sa ikalawang taon ng ‘Puregold CinePanalo’: Pitong full-length films na mapipili, tatanggap ng 3M grant

    LALO pang tinotodo ng supermarket chain na Puregold adbokasiyang kampanya nito–ang Puregold CinePanalo Film Festival, sa pamamagitan ng paghahandog ng pinakamalalaking grant para sa produksyon ng mga full-length na pelikula sa Pilipinas.         Para sa paparating na 2025 Puregold CinePanalo, tumataginting na P3,000,000 ang film production grant na ibibigay sa pitong kapita-pitagang […]

  • Nasa Los Angeles nang maganap dahil sa ‘BET Awards’: MARIAH CAREY, nanakawan na naman at sa bahay niya sa Atlanta, Georgia

    NILOOBAN ng mga magnanakaw ang bahay ni Mariah Carey sa Atlanta, Georgia.   Ayon sa ginawang imbestigasyon, tatlong lalake ang inaresto na may koneksyon sa pagnanakaw sa bahay ni Mariah. May force entry na ginawa sa back door ng bahay ng singer.   Heto ang official statement ng Sandy Springs Police Department: “The Miami-Dade Police […]

  • Bagong 25-year ABS-CBN ‘franchise renewal bill’ inihain ni Sotto sa Senado

    Halos walong buwan matapos ipatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Kapamilya Network, isang bagong panukalang batas mula sa Senado ang naglalayong maibalik sa himpapawid ang ABS-CBN.   Ito ay matapos ihain ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III — na kilalang TV host sa karibal na GMA-7 — ang Senate Bill 1967, […]