• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caballero tagapagsalita sa Natl’l Sports Summit

PAGTUTUUNAN ni Pilipinas Sepaktakraw Federation Inc. President Karen Tanchanco-Caballero ang mga kababaihan sa mundo ng sport sa online 17th session ng Philippine Sports Commission-National Sports Summit (PSC-NSS) 2021 ngayong Miyerkoles, Hunyo 9.

 

 

Ibubunyag ng deputy secretary general ng Philippine Olympic Committee (POC) at unang babaeng vice president ng International Sepaktakraw Federation (ISTAF) at Asian Sepaktakraw Federation (ASTAF), ang aktibong papel ng mga Eba sa larangan.

 

 

Ibabahagi rin niya ang pagiging isang sports leader at pagtataguyod niya sa adbokasiyang pantay na kasarian sa para sa sports at pagpapatakbo sa mga programang para sa mga atleta.

 

 

Giniit naman Marteses ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang mahalagang papel sa parehas na kasarian sa sports conference.

 

 

“Women have long played the same, and often primary tasks in furthering the country’s sports excellence. It is a privilege for us to have one of the most esteemed women sports leaders to speak of this in our national conference,” aniya.

 

 

Dati ring chairperson si Tanchanco-Caballero ng Women and Sports Committee sa Southeast Asian Games Federation at nag- chef de mission ng Team Philippines para sa 2016 Asian Beach Games sa Da Nang, Vietnam.(REC)

Other News
  • Voters Registration, idinaos sa Kampo

    IDINAOS noong Lunes ng Commission on Elections (Comelec) ang kauna-unahang voter registration sa loob ng Camp Darapanan at Camp Abubakar ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) . Pinangunahan ng mga opisyal ng Comelec sa pamumuno nina chair George Garcia at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr.ang pagbubukas ng dalawang araw […]

  • Ads April 17, 2024

  • Año in, Carlos out bilang National Security Adviser

    OPISYAL nang nanumpa sa tungkulin si dating DILG Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser.  Sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nanumpa sa kanyang tungkulin si Año sa Palasyo ng Malakanyang. Pinalitan ni  Año si Professor Clarita Carlos na nagdesisyon na ipagpatuloy ang kanyang hangarin na scholastic endeavors nang sumama sya sa  […]