• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cabinet officials ni PBBM, sumabak na sa trabaho

MAY ILANG  miyembro na ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagsimula nang sumabak sa kanilang trabaho.

 

 

Sa katunayan, may ilan ang nag- first day “warming up” na sa kanilang staff at sinasanay na ang kanilang sarili sa tanggapan na kanilang magiging  “official home” sa mga darating na araw.

 

 

Isa na rito si Trade Secretary Alfredo Pascual kung saan tinanggap ang  flag ng Department of Trade and Industry mula sa dating hepe nito na si Ramon Lopez, sa turnover rites sa nasabing tanggapan.

 

 

“It is an honor and privilege for me to be allowed to serve our country, particularly at this time of pandemic recovery and new emerging uncertainties,” ayon kay Pascual sa  kanyang naging talumpati sa  naturang seremonya.

 

 

Sa ilalim ng kanyang liderato,  nangako si  Pascual  na palalakasin ang suporta ng gobyerno sa “micro, small and medium enterprises; boost the country’s manufacturing sector; push for the ease of doing business; lure investors, broaden exportation; and reassess the organizational structure of the department.”

 

 

Winelcome naman ni Outgoing Labor Secretary Silvestre Bello III ang bagong department head na si  Bienvenido Laguesma,  na nangakong ipagpapatuloy ang sinimulan ni Bello sa departamento.

 

 

“Sana ‘yung pangarap na makapagbigay ng mga serbisyo dun sa mga higit na nangangailangan, tayo naman ay masugid na ginawa ni Sec. Bello, sana ay aking matugunan,” ayon kay Laguesma.

 

 

Si Bello, sa kabilang dako ang siya namang mamumuno sa  Manila Economic and Cultural Office bilang chairman nito.

 

 

Gayundin, dumalo naman si  Department of Public Works and Highways Secretary (DPWH) Manuel Bonoan  sa turnover ceremony, araw ng Biyernes.

 

 

Matapos ang aktibidad, tumawag na agad ito ng miting kasama ang mga department officials  kung saan inilahad niya ang kanyang mga polisiiya at prayoridad.

 

 

“I call upon you all my co-workers and the entire DPWH family to do our share and give the best of us in delivering the much-needed infrastructure support to hasten the economic recovery as envisioned by the President,” anito.

 

 

Nagsimula naman ng manungkulan si Secretary Susan Ople bilang pinuno ng bagong likha na Department of Migrant Workers (DMW).

 

 

Tiniyak ni Ople na ang  DMW  ay magkakaroon ng zero-tolerance policy para sa  illegal recruiters at human traffickers.

 

 

Inanunsyo rin nito ang pagtatatag ng One Repatriation Command Center which na mangangasiwa sa repatriation o pagpapauwi sa lahat ng OFWs na nais ng umuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

 

 

“Bisitahin natin muli lahat ng requirements at ‘yung sistema sa contact  verification, pagkuha ng OEC (Overseas Employment Certificate),” ayon kay Ople.

 

 

Habang nilibot naman ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang kanyang bagong tanggapan. Siya ngayon ay nasa “familiarization” stage sa departmento.

Other News
  • Truck ban, suspendido sa loob ng 2 -week ECQ sa NCR

    SUSPENDIDO ang ipinatutupad na truck ban sa Kalakhang Maynila sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.   Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na layon nito na maging dire-diretso ang delivery […]

  • Bagong highly transmissible Omicron XBB subvariant at XBC variant, na-detect na sa PH

    NAKAPAGTALA na ang Pilipinas ng bagong mas nakakahawang Omicron XBB subvariant at XBC variant ayon sa Department of Health (DOH).     Iniulat ng DOH na nasa 81 kaso ng Omicron XBB subvariant ang na-detect mula sa dalawang rehiyon sa bansa.     Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nasa 70 dito ay nakarekober […]

  • Tolentino, tatayong legal counsel ni Dela Rosa sa ICC probe

    MAGSISILBING  abogado ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa lahat ng proceedings na may kinalaman sa International Criminal Court (ICC) investigation si Sen. Francis Tolentino.     Ito ay kaugnay pa rin sa ginagawang imbesti­gasyon ng ICC tungkol sa drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte kung saan si Dela Rosa noon ang hepe […]