Calamity loan alok ng SSS sa members na apektado ni Carina
- Published on July 27, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-ALOK ang Social Security System (SSS) ng calamity loan para sa mga miyembro nito na matinding naapektuhan ng bagyong Carina sa National Capital Region at iba pang lugar na naideklarang nasa state of calamity.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet, ang mga kuwalipikadong miyembro ng SSS na naapektuhan ng bagyo ay maaring mag-loan ng katumbas ng kanilang isang buwang suweldo o hanggang sa maximum na P20,000.
“SSS will always be ready to assist our members in typhoon-affected areas. We want to assure them that in times of calamities, they can rely on SSS to provide them the needed financial assistance as they recover from Typhoon Carina,” pahayag ni Macasaet.
Ang kailangan lamang ay naninirahan sa mga lugar na naideklarang calamity area, ang edad ay mababa sa 65 anyos sa panahon ng paghahain ng aplikasyon sa loan, walang benefit claim tulad ng permanent total disability retirement, walang nakaraang SSS short-term member loans, walang kasalukuyang restricted loan o calamity loan.
Ang mga interesadong miyembro ay maaring mag-apply ng calamity loan gamit ang kanilang SSS account via www.sss.gov.ph.
-
‘Zero casualty’ sa Eleksyon 2025, target ng gobyerno -Remulla
TARGET ng gobyerno na magkaroon ng casualty-free elections sa 2025. Sa katunayan ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ay inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na trabahuhin ang kaligtasan at seguridad ng mga kandidato at publiko para sa nalalapit na halalan sa bansa. […]
-
Ads February 18, 2021
-
RIDING-IN-TANDEM TODAS SA PULIS SA CALOOCAN
DEDBOL ang dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa humahabol na mga pulis makaraang takbuhan ang isang checkpoint sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Base nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan […]