Caloocan LGU, magtatayo ng “Tahanang Mapagpala”
- Published on October 17, 2024
- by @peoplesbalita
SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD), ang construction ng bagong social development center na tinawag na “Tahanang Mapagpala”, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony nito sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa Barangay 171 Bagumbong.
Ang Tahanang Mapagpala ay magiging tahanan ng mga inabandona, napabayaan, inabuso at mga batang babae sa lahat ng edad habang ang mga batang lalaki na edad pitong taon pababa na nakaranas ng parehong mga kalagayan tinutugunan din ang mga pangangailangan.
Nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Mayor Along sa patuloy na pagsunod sa kanyang direktiba na unahin at protektahan ang mga interes ng mga pinaka-mahina na miyembro ng komunidad.
“Sa pamamagitan po ng Tahanang Mapagpala at sa tulong ng CSWDD, mas maipaparamdam po natin sa mga kababayan nating higit na nangangailangan ang pagkalinga at malasakit na hatid ng Pamahalaang Lungsod,” ani Mayor Along.
Tiniyak din niya sa kanyang mga nasasakupan na ang pamahalaang lungsod, sa ilalim ng kanyang administrasyon ay patuloy na magpapatupad ng komprehensibo at mapapanatili ang mga patakaran na magiging kapaki-pakinabang para sa lahat ng mga residente ng Caloocan. (Richard Mesa)
-
40.7 init, posible hanggang Mayo – PAGASA
DAHIL sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon hanggang sa katapusan ng Mayo. Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang […]
-
PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs
PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang nasa 60 persons who used drugs (PWUDs) na nagtapos sa Bidahan, ang community-based treatment and rehabilitation program (CBDRP) ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagpapasya na talikuran nila ang kanilang bisyo at gumawa ng bagong buhay para sa kanilang sarili at kanilang pamilya. (Richard Mesa)
-
Pinas, sumali sa ‘global call’ kontra marine plastic waste
SUMALI ang gobyerno ng Pilipinas sa agarang panawagan na tugunan ang malawakang plastic waste sa buong mundo na patuloy na nagdudumi sa karagatan. “For many Filipinos, the sea is livelihood and life for all Filipinos as a nation it is our definition as such. We are a people of water, we’re a maritime […]