Caloocan, Malabon muling nag-uwi ng Seal of Good Local Governance
- Published on December 12, 2024
- by @peoplesbalita
MULING nagkamit ng parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod ng Caloocan at Malabon sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel.
Ang Caloocan City ay ang pangalawang local government unit na nakatanggap ng walong magkakasunod na SGLG mula nang simulan ng DILG ang programa.
Binati ni Mayor Along Malapitan ang lahat ng kanyang mga kasamahan sa pamahalaang lungsod at kinilala ang kontribusyon ng lahat ng kawani ng city hall sa pagtiyak na mabisa at mahusay na nadarama ng kanyang mga nasasakupan ang mga programa ng kanyang administrasyon.
“Taas-noo po nating tinatanggap ang ika-walong sunod na SGLG at binabati ko po ang lahat ng aking kasamahan sa pamahalaang lungsod sa walang patid na pagtulong sa ating pamumuno na maibigay ang pinakamagandang serbisyo-publiko sa ating mga kababayan,” ani Mayor Along.
Samantala, ito naman ang ikalawang SGLG na natanggap Lungsod ng Malabon sa panahon ng administrasyon ni Mayor Jeannie Sandoval.
“Ang ikalawang SGLG na ito sa ating termino ang nagpapatunay na hindi tayo tumutigil sa pagbuo pagbibigay ng dekalidad na programa at serbisyo para sa ating mga kapwa Malabueño. Layunin natin na mas gawing epektibo pa ang mga programang mayroon tayo para kaligtasan, kapakanan, kabuhayan, at paglinang ng kakayanan at talento ng ating mga kababayan,” pahayag ni Mayor Jeannie.
Tinanggap ni Mayor Jeannie ang parangal , kasama sina DILG-Malabon Director Jess Marie Acoba, City Administrator Dr. Alexander Rosete, at City Planning and Development Department Officer-in-Charge Ms. Shela Cabrera.
Ang mga tatanggap ng seal ay kailangang pumasa sa pagtatasa sa lahat ng sampung lugar ng pamamahala tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.
Ang mga SGLG awardees ngayong taon ay pinagkalooban din ng incentive fund subsidy na nagkakahalaga ng P2 milyon.
Samantala, ipinahayag naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa kanyang mensahi ang mainit niyang pagbati sa mga awardees, “Congratulations sa lahat ng awardees. Make this a symbol that you ran a good government – you ran a clean government and an effective government.” aniya. (Richard Mesa)
-
Clark International Airport bubuhusan ng P46 billion na pondo
BUBUHUSAN ng P46 billion ang Clark International Airport (CIA) upang gamitin sa isang development plan mula sa mga pangunahing kumpanya ng mga airlines kasama ang pamahalaan bilang isang paliparan na may lumalaking ekonomiya sa Central Luzon upang maging isang preferred gateway sa Luzon. Ayon pamahalaan at mga executives ng mga airlines […]
-
‘What You Did’, a psychological thriller starring Tony Labrusca, finalist at Sinag Maynila 2024
WHAT YOU DID is a psychological thriller, and the directorial debut of Joan Lopez-Flores. One of the finalist in SINAG MAYNILA 2024 (Full Length Film category), starring Tony Labrusca, Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral, and Ana Abad Santos Also starring Ping Medina, Ralph Fernandez, Elle […]
-
Naging emosyonal sa pagtanggap ng ‘Aliw Awards’: PIOLO, umaasang susuportahan ng mga Pinoy ang ten entries sa ‘MMFF 2023’
NAGING emosyonal nga ang bida ng ‘Mallari’ na si Piolo Pascual sa natanggap niyang parangal sa katatapos lang na 36th Aliw Awards. Ang premyadong actor kasi ang tinanghal na “Best Lead Actor in Musical” para sa kanyang mahusay na pagganap sa musical play na “Ibarra.” Sa interview ng ABS-CBN entertainment reporter na si […]