• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan-Manila connector, bukas na sa motorista, toll libre pa

BINUKASAN na nitong Miyerkules ng hatnggabi ang 5-ki­lometrong NLEX connector na magdudugtong sa Caloocan at Maynila.

 

 

Wala pang sisingiling toll ang NLEX sa mga motorista para maranasan muna ng mga motorista ang kaginhawaan sa paggamit nito.

 

 

Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon nitong gawing 5 minuto na lang ang biyahe mula Maynila hanggang Caloocan, sa halip na 30 minuto.

 

 

Malaking kaginhawaan umano ito at magiging alternatibong ruta para sa mga trackers na umiiwas sa masisikip na main road sa loob ng metropolis.

 

 

Nabatid na malaking tulong din  ang pagbubukas nito ngayong linggo para sa inaasahang dami ng bibiyahe sa papalapit na Semana Santa.

 

 

Iaanunsyo pa ng NLEX kung kailan magsisimulang sumingil ng toll fee sa bagong bukas na daan. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, patuloy na pinupunan ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno.     Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng iba’t ibang personalidad bilang mga bagong opisyal na bubuo sa Department of Foreign Affairs, Department of Health, Department of Information and Communications Technology, Department of Justice, Department of Labor and Employment, Department of […]

  • Ads April 1, 2021

  • Mark Magsayo at Brandon Figueroa magbabakbakan para sa interim title ng WBC featherweight

    MAGTUTUOS sina dating World Boxing Council featherweight champion Mark Magsayo at former unified WBC/World Boxing Association super-bantamweight titlist Brandon Figueroa ng United States sa Marso 4 para sa WBC interim 126-pound title sa Toyota Arena sa Ontario, California.   May 24-1-0 (win-loss-draw), 16 knockouts record ang Pinoy at si Figueroa ay 22-1-1, 17KOs patungo sa […]