Cambodian leader COVID-19 positive matapos i-host ASEAN Summit na dinaluhan ni Marcos Jr.
- Published on November 16, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Cambodian Prime Minister Hun Sen na nagpositibo siya sa COVID-19 ilang araw matapos niyang pangunahan ang ASEAN Summit na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. atbp. world leaders sa Phnom Penh.
Ito ang ibinahagi niya sa kanyang Facebook page, Martes, matapos niyang dumating sa Indonesia para sa G20 summit. Sa kabila nito, hindi raw niya inaasahang magkakaroon ng sintomas.
“I am not sure when this virus came to me, but when I arrived, the Indonesians took a sample from me in the evening, and in the morning it confirmed Covid-19 positive.”
Si Hun Sen, na itinuturing na “longest-ruling Asian leader,” ay nakaharap ng mga pinuno mula sa walong Southeast Asian countries gaya ni Bongbong. Katatapos lang nito noong Linggo.
Nakaharap din niya sina US President Joe Biden pati na ang ilang pinuno mula Tsina, Japan, Australia at Canada. Makikita sa ilang opisyal na larawan ng pagpupulong na wala siyang face mask habang kinakaharap ang mga naturang leaders at heads of state.
Sa kabila ng lahat ng ito, nagpapasalamat pa rin siya dahil na-late nang dating sa Bali at hindi nakasama kumain ang ilang leaders sa G20 Summit.
Uuwi ang Cambodian delegation ngayong araw at idiniing hindi niya muna makakaharap sina Chinese President Xi Jinping at French President Emmanuel Macron sa APEC summit sa Bangkok ngayong linggo.
Wala pa ring balita mula sa Malacañang kung patungkol sa lagay ng kalusugan ni Marcos Jr.
Si Bongbong ay ilang beses nang tinamaan ng COVID-19 noong taong 2020 at 2022 at isa nang senior citizen, na siyang malaki ang risk sa nasabing karamdaman. (Daris Jose)
-
Malapitan, nagunguna sa SWS survey sa Caloocan
NANGUNGUNA si incumbent Caloocan Mayor Along Malapitan sa listahan ng mga mamamayan ng Caloocan City bilang kanilang alkalde. Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) pagkatapos ng paghahain ng kandidatura ng mga nais tumakbo sa lokal na halalan nitong Oktubre, 81% ng mga botante ng Caloocan ang nais pa ring magpatuloy si […]
-
Ilang beses nang nakaranas ng ‘himala’: NORA, tatlong minutong namatay at milagrong nagkamalay
PINASIKAT na movie line ni Superstar Nora Aunor ay ang “walang himala” na hango sa kanyang 1982 film na ‘Himala’. Pero sa tunay na buhay, ilang beses na raw nakaranas ng himala sa kanyang buhay si Ate Guy. Sa naging kuwentuhan nila ni Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, […]
-
PBBM sa anti-poverty commission, alamin at kilalanin ang ‘problematic’ areas, makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya
KAAGAD na nagbigay ng kanyang marching order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) para alamin at kilalanin ang mga o identify ang “problematic” communities at makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino indigents. “‘Yung mga ibang lugar na talagang hindi makabangon dahil […]