CANADA, umaasa ng suporta ng Pinas sa free trade negotiations nito sa ASEAN
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Canada sa Pilipinas na suportahan ang free trade negotiations nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tinukoy ang kahalagahan ng ASEAN Centrality.
“Regarding trade, we are negotiating for a free trade agreement with ASEAN. So we hope that we could have the support of the Philippines. And we are negotiating also to become a strategic partner of ASEAN, recognizing the importance of ASEAN Centrality,” ayon kay Canadian Foreign Minister Mèlanie Joly sa courtesy call nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Palasyo ng Maakanyang, araw ng Huwebes.
“So if we could work together to achieve that, that would be very much appreciated because we are bringing a lot of diplomatic knowledge and strength,” ayon kay Joly.
Bilang tugon, sinabi naman ni Pangulong Marcos na mayroong maraming oportunidad na maaaring ma-identify ng dalawang bansa “as potential areas for us to be able to move further.”
Nagpahayag din si Joly ng kanyang hangarin para sa Pilipinas na isulong ang strategic partnership sa Canada upang mas lalo pang palakasin ang bilateral ties.
“On the issue of strategic partnership, I think it is something that certainly we can pursue. I cannot at the outset see anything that should get in the way of achieving this goal,” ang sinbai ng Pangulo kay Joly.
Winika ni Joly na labis na ikinatuwa ng Canada at Pilipinas ang malakas at matatag na pagkakaibigan nito sa maraming dekada dahil ang people-to-people ties, at kanyang bansa ay handa na mas palakasin pa ang koloborasyon sa nasabing aspeto.
“We will also be working even more on strengthening people-to-people ties by offering more scholarships for Filipinos,” ani Joly.
Winika pa ni Joly, palalawigin ng kanyang bansa ang kooperasyon sa Pilipinas kabilang na sa larangan ng agrikultura.
Nakatakda namang ipagdiwang ng Canada at Pilipinas ang kanilang 75 taong bilateral relations sa 2024. (Daris Jose)
-
PBBM, nakipagpulong sa Indonesia para sa security, trade at culture
UMALIS biyaheng Indonesia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo, Setyembre 4, 2022. Ito ang kauna-unahang foreign trip ni Pangulong Marcos nang maupo siya bilang halal na Pangulo noong Hunyo. Inaasahan naman na makikipagkita ang Pangulo sa Filipino community sa kanyang pagdating sa Indonesian capital. “This is to […]
-
Ex-President Estrada itinakbo sa pagamutan matapos magpositibo sa COVID-19
Itinakbo sa pagamutan matapos na magpositibo sa COVID-19 si dating pangulo at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Ayon sa kaniyang anak na si dating senator Jinggoy Estrada na nanghihina ang dating pangulo kaya ito itinakbo sa pagamutan nitong Linggo. Bagamat stable ang kalagayan ng 83-anyos na si Estrada ay patuloy ang […]
-
Cha-cha ‘word war’ sa pagitan ng Kamara at Senado, itigil na
HINIKAYAT ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso na mag-usap at ayusin ng pribado ang kanilang bangayan sa isyu ng isinusulong na constitutional amendments ng Kamara sa halip na mag-away sa publiko. Umapela pa ang mambabatas ng parliamentary courtesy at ayusin ng pribado ang pinagkakaiba ng […]