• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Canadian tennis star Andreescu target na mahigitan si Williams

Pangarap ni Canadian tennis player Bianca Andreescu na mahigitan ang record ni US tennis star Serena Williams.

 

Ayon sa 20-anyos na tennis player na malaki ang pangarap niya gaya ng malampasan ang record ng ilang mga sikat na tennis star na kinabibilangan ni Williams, Chrissy Evert o ang Australian tennis star Margaret Court.

 

Mula pa noon kasi ay pinangarap niyang maging pinakamagaling na tennis player sa buong mundo at makapagtala ng mga records.

 

Naging unang-grand slam singles champion kasi si Andreescu matapos talunin si Williams sa US Open noong nakaraang taon.

 

Isa sa paraan na ginagawa nito ngayon ay ang patuloy na pagsasagawa ng ensayo.

 

Umaasa rin nito na agad na makabalik ang mga laro sa tennis para matuloy na ng mga nabinbin na torneo ngayong taon.

Other News
  • Wonka’ Emerges as Christmas Winner, Crosses $100M in U.S. as ‘Aquaman 2’ Drowns

    Timothée Chalamet’s Wonka has emerged as this year’s Christmas box office winner, while DC superhero pic Aquaman and the Lost Kingdom drowns.     Overall, this holiday season isn’t so joyous for Hollywood studios and theater owners. Case in point: Wednesday revenue was down 52 percent from the same Wednesday in 2019, the last year […]

  • SEAL OF GOOD EDUCATION GOVERNANCE MULING NAKAMIT NG NAVOTAS

    Nasungkit muli ng Navotas ang Seal of Good Education Governance (SGEG) mula sa Synergeia Foundation para sa pangatlong magkakasunod na taon.     Natanggap ng lungsod ang recognition sa ginanap na 14th National Educational Summit.     Dalawang local government units lang sa National Capital Region ang nabigyan ng ganung karangalan.     Pinasalamatan ni Mayor […]

  • Ads March 24, 2021