• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cardinal Advincula, ikinagalak ang mainit na pagtanggap ng religious communities

Ikinagalak ng bagong talagang arsobispo ng Archdiocese of Manila ang mainit na pagtanggap ng religious communities.

 

 

Tiniyak ni Archbishop Jose Cardinal Advincula na bilang pastol ng arkidiyosesis sa mga relihiyoso at relihiyosa ang buong puso at tapat na paglilingkod sa pagpapalago ng bokasyon at pagpapastol sa kawan ng Panginoon.

 

 

“My role is to help and lead you in fulfilling your vocation and ministry. As your shepherd, Christ has called me to “feed” you and “to lead you to the richest pastures,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

 

 

Naramdaman ni Cardinal Advincula ang mainit na pagtanggap ng iba’t ibang religious communities’ ng arkidiyosesis na dumalo sa isinagawang ‘Solemn Vespers’ noong Hunyo 26 ng hapon sa Manila Cathedral.

 

 

Kinilala rin ng arsobispo ang mahalagang papel na ginagampanan ng religious men and women sa pagpapalaganap ng turo ng simbahan sa bawat komunidad katuwang ang mga diocesan priests’ ng arkidiyosesis.

 

 

“All of us are heralds or living instruments of God’s mercy to one another. Such is our saving mission which Christ has entrusted to the Church,” ani ng Cardinal.

 

Una nang sinabi ni Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales na ang mga relihiyoso at relihiyosa na narito sa Maynila ay katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng kabutihan, kabanalan at pagmamahal.

 

 

Binigyang diin ni Cardinal Advincula ang kahalagahan ng pananalangin at kahandaang makinig upang higit na magampanan ang misyon ng simbahan sa bawat mananampalataya.

 

 

“We need to pray, to unite ourselves in prayer; because in PRAYER we are being disposed to listen attentively to Christ our chief shepherd as well as listen generously to one another as members of Christ’s flock,” giit ni Cardinal Advincula.

 

 

Batay sa tala ng Roman Catholic Archdiocese of Manila may 809 na religious women habang 112 naman ang religious men.

 

 

Katuwang naman ni Cardinal Advincula sa priestly mission sa arkidiyosesis ang 245 diocesan clergy at 373 religious’ clergy

 

 

Nauna nang tiniyak ng religious communities sa bagong arsobispo ng Maynila ang pakikipagtulungan at pakikiisa sa misyon ng simbahang katolika lalo’t ipinagdiriwang ngayng taon ang 500 Years of Christianity sa paksang ‘Gifted to Give.”

Other News
  • Para maranasan ang ‘hospitality’ ng mga pinoy: mamamayan ng Czech, niligawan ni PBBM na bumisita sa Pinas,

    NILIGAWAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga mamamayan ng Czech Republic na bisitahin ang Pilipinas at maranasan ang hospitality o kagandahang-loob ng mga filipino. Sa kanyang bilateral meeting kasama si Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, binanggit ni Pangulong Marcos ang regional airports na na-develop at upgraded para itaas ang accessibility sa mga local […]

  • GSIS pensioners, magsisimula nang matanggap ang Christmas cash gift sa Disyembre 6

    SIMULA Disyembre 6 ay matatanggap na ng 300,000 old-age at disability pensioners  ng  Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang Christmas cash gift.     Sa katunayan ipalalabas na ang P3.47 billion na pondo para rito.     Ang  cash gift ay ike-kredito sa kanilang  eCards.     Sinabi ni GSIS President a General Manager […]

  • Mga negosyo pautangin para makabayad ng 13th month pay

    UPANG hindi naman mag-Paskong tuyo ang pamil-ya ng mga empleyado, iminungkahi ni 2ndDistrict Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan na pautangin ang mga kumpanyang pinadapa ng COVID- 19 pandemic upang maibigay ang inaasahang 13th month pay.   Ito’y sa gitna na rin ng pahayag ng maraming mga kumpanya na mahihirapan silang maibigay ang 13th month […]