• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cardinal Tagle, binigyan ni Pope Francis ng dagdag posisyon sa Vatican

Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Oriental Churches.

 

 

Ayon Vatican, dahil sa bagong trabaho ni Tagle ay patuloy na ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches para tulungan ang mga ito sa proteksyon ng kanilang karapatan at pagmantine sa pagkakaroon ng isang Catholic Church.

 

 

Sakop nito ang mga bansang Egypt and the Sinai peninsula, Eritrea and Northern Ethiopia, Southern Albania and Bulgaria, Cyprus, Greece, Iran, Lebanon, Palestine, Syria, Jordan and Turkey.

 

 

Sa kasalukuyan ay Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples din si Tagle.

 

 

Mula nang dumating sa Vatican noong February 2020, itinalaga rin ng Santo Papa si Tagle bilang member ng Pontifical Council for Interreligious Dialogue at sa Administration of the Patrimony of the Apostolic See (APSA) o ang katumbas ng Vatican central bank.

Other News
  • 5 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng limang indibidwal matapos maaktuhang sumisinghot shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Police Sub-Station 6 at ipinaalam sa kanila […]

  • PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle na si FVR

    KASALUKUYAN ngayong nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. dahil sa pagpanaw ng kanyang “distant uncle” na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.     Sa kanyang official Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya  Ramos.     “I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who […]

  • Puregold CinePanalo Film Festival, nakipag-partner sa MOWELFUND sa pagsuporta sa mga pelikulang Kwentong Panalo

    MASAYANG inanunsyo ng Puregold CinePanalo Film Festival ang kanilang partnership sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND).   Layunin ng kolaborasyong ito na ibida ang industriya ng pelikula sa Pilipinas, partikular na ang mga bagong filmmaker, at ang mga kwentong itinatampok ang buhay at kultura sa Pilipinas.   Itinatag noong 1974, ang MOWELFUND ay isang […]