• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cariaso mananatili sa Converge

MANANATILI  sa Converge ang coaching staff ng Alaska Aces sa oras na simulan ang kampanya nito sa PBA Season 47.

 

Kabilang sa mga mananatili si Aces head coach Jeffrey Cariaso kasama sina Joe Silva, Danny Ildefonso at Franco Atienza.

 

 

Nais ni team governor at dating PBA commissio­ner Chito Salud na maka­buo muna ng solidong koponan para sa susunod na season.

 

 

Ngunit wala pang linaw kung sinu-sinong mga pla­yers ng Alaska ang mananatili sa Converge.

 

 

Kaya naman nakatakdang makipagpulong ang pamunuan ng Converge sa coaching staff ng Alaska kasama ang mga players nito.

 

 

“The players are part of the sale, the coaches are part also of the acquisition. We believe this team has great potential, and as I said, we just need to recalibrate and move forward,” ani Salud.

 

 

Sa kasalukuyan, t­anging sina Jeron Teng, Ben Adamos at Taylor Brown lamang ang may kontrata sa Alaska.

 

 

Nasa free agency ang iba pang players kabilang na sina Abu Tratter, Robbie Herndon, Maverick Ahanmisi, Allyn Bulanadi at RK Ilagan.

Other News
  • WILLIE, nagpahiwatig sa post na posibleng iiwanan na ang daily show; ipagpatuloy sana ng GMA

    TIYAK na ikalulungkot ng mga fans ni Willie Revillame at mga tagasubaybay ng daily program na Wowowin, kung iiwanan na niya ang show, tulad nang ipinahiwatig niya sa kanyang post.      Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang sinabi niya na may matindi siyang pinag-iisipang desisyon, pero sana raw ay ipagpatuloy ng GMA Network […]

  • CCP, QEFF TO STREAM FILMS ABOUT AUTISM, DEPRESSION, AND DEMENTIA FOR FREE

    THE Cultural Center of the Philippines and the Quisumbing-Escandor Film Festival for Health partner to bring awareness to mental health and health- related issues in the country through “Balik Tanaw,” a free film online screening.   From October 23-30, films on Autism Spectrum Disorder, Depression, and Dementia will be screened on the CCP Vimeo channel […]

  • HIRED ON THE SPOT

    Na-hired on the spot si Quino Santiago mula sa Bulihan, Lungsod ng Malolos sa posisyon ng Electrician Helper ng D’ Jobsite General Services Inc. sa ginanap na Mini Job Fair: Bulacan Trabaho Service (BTS) sa Waltermart Malolos, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Biyernes. Kasama ng bagong tanggap sa trabaho sina (mula kaliwa) Provincial Youth, Sports, […]