• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CARL, bilib na bilib kay Mayor ISKO at paniwalang mananalong Pangulo; maraming isa-sakripisyo sa pagtakbo bilang Senador

NANINIWALA si Dr. Carl Balita na marami siyang magagawa at matutulungan bilang Senador, lalong-lalo na pagdating sa kalusugan at edukasyon na sa tingin niya ay talagang napag-iiwanan na tayo.

 

 

     Pahayag niya, “I am the only nurse and teacher in the senate running. I am one of the three with the professional licence and one of the few with a doctorate degrees.

 

 

“Kaya malakas ang loob ko, because we need change. I saw my rank, in the recent survey.  I ranked no. 29 and that’s very far but I see a lot of potentials and confident with my numbers.

 

 

“I am a calculated risk taker.  I’m risking a lot, even my mental health, kasi grabe pala ‘tong papasukin ko.

 

 

“Even as I talk to my circles in UST. Yung pong mga kaparian at saka ‘yun highly educated and thinkers leader natin.  They knew how much sacrifice that I’m making but they also knew how change I can bring forward.”

 

 

Sa pagpapatuloy ng first timer senatorial candidate, “we need help.  This country needs help, napag-iwanan na po tayo nang sobra.

 

 

“Even our showbusiness, we still good but we just so left out. Maraming nagutom na workers, I should know dahil nagpo-produce din naman ng pelikula tulad ng ‘Nars’ at ‘Maestra’.

 

 

“By the way, I also produce a film festival, yun VHF, (Video Home Festival), kasama ng company ko yun Mowelfund and we were able to raised some funds for the movie workers.

 

 

“’Yung maliliit na ginagawa ko, siguro pag nasa Senate na ako, kailangan n’yo lang ako sabihan sa maitutulong ko sa movie industry.”

 

 

Natanong din si Dr. Carl kung bakit kailangan pa niyang pasukin ang politika kung nakakatulong na siya sa maraming tao, isa nga rito si Willie Revillame na umatras bilang Senador.

 

 

“Hinangaan ko si Kuya Willie sa ginawa niyang desisyon,” sabi niya.

 

 

“Nagbukas siya ng property niya sa Puerto Galera. Alam ko kasi yung nagagawa niyang pagtulong, in that way.

 

 

“Kaya lang may sector kasi ako na gustong pakialaman, especially yung health, dahil grabe ang nagyayari, lalo na yung mga mahihirap na nagkakasakit.

 

 

“Tapos yung education, nagkataon na part ako ng educational task force ng Philippine Chamber.  It is really a mess.”

 

 

Paniwala rin si Dr. Carl, na ang biggest problem na hinaharap natin ngayon ay ang ‘mental health’ na epekto na rin ng pandemya dala ng COVID-19.

 

 

“When somebody in your family na hindi siya makatulog ng tatlong araw na. Malungkot siya at hindi niya alam kong bakit?

 

 

“Hindi mo naman papansinin ‘yun eh. Or kung may magsabi na parang may bumubulong, sasabihan na maglinis ka lang ng tainga.

 

 

“Because we never took those symptoms seriously.  But this are very serious mental issues.

 

 

“And did you know, we have less than a thousand psychiatrist in the country? And some of the medicines for mentally ill are not even available in some of the provinces.

 

 

“And the worst part of it, is the stigma and discrimination.”

 

 

Maging ang suicide incidents ay tumaas sa panahon ng pandemya, dahil nga marami ang na-depress. Dumami rin ang incest and violence dahil sa crisis.

 

 

Dagdag pa ni Dr. Carl, bukod dito, tumaas din ang, tumaas din an violence against men. Ang pagkakaiba lang sa ‘pag babae ang biktima, puwede agad siyang mag-reklamo sa prisinto, pero pag lalaki, magdadalawang-isip itong magreklamo na binubugbog siya ng asawa.  Ilan lang ito sa mga problemang dapat tututukan at mabigyan ng solusyon.

 

 

Bilib na bilib naman siya kay Mayor Isko Moreno na tumatakbong Pangulo, kaya sumama siya sa partido nito.

 

 

“He has Manila, as is receipt to what he has done,” tugon pa niya.

 

 

“And all the Filipinos need to see and I wish other candidates can do the same.  And actually show receipt on how have led because it is about leadership.

 

 

“And know, life is a story in itself that many Filipinos would like to understand and appreciate.

 

 

“I believe he will win. And he should win!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 2.04 milyong Pinoy, tambay noong Abril — PSA

    TUMAAS ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Abril ngayong taon.     Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 2.04 milyon ang mga Pinoy na 15-anyos pataas ang walang trabaho na mas mataas kumpara sa 2 milyon na naitala noong Marso.     Sabi ni […]

  • DOH: 8,764 healthcare workers infected; 58 patay sa COVID-19

    Aabot na sa 8,764 ang bilang ng mga health care workers sa Pilipinas ang tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).   Batay sa data ng ahensya, as of September 16, mayroon nang 8,068 na ang gumaling at 58 ang namatay na, mula sa nasabing total.   Ang mga active cases o nagpapagaling […]

  • First time mag-out of the country kasama ang boyfie: ALTHEA, may sweet birthday message para kay PRINCE

    NAGLABAS ng kanyang third single under GMA Music ang ‘Voltes V: Legacy’ star na si Matt Lozano titled “Liham”.       Tungkol nga raw sa moving on and finding happiness again after a difficult situation ang sinulat na awit ni Matt.       “May dalawa akong single na ni-release last year and two […]