CARLA, bumiyahe sa New York para mabili ang dream wedding dress sa kanyang dream designer
- Published on October 12, 2021
- by @peoplesbalita
HAPPY na ang Kapuso actress na si Carla Abellana dahil pinayagan na siyang bumiyahe to New York para makuha na niya ang kanyang dream wedding dress.
Dahil sa magkasunod na trabaho, tatlong beses daw siyang nagpaalam sa mga boss sa GMA Network bago mapayagang mag-abroad para mabili ang dream wedding dress mula sa kanyang dream designer.
Emosyonal na pinasalamatan ni Carla ang GMA Network sa permisong ibinigay nito para makaalis ng bansa si Carla.
“I thank GMA for allowing me, finally allowing me to fly. They may not know how important this is for me but thank you to GMA. I love it. I love it so much. I’m so happy,” sey ni Carla sa kanyang vlog.
Para raw nabunutan ng tinik sa dibdib si Carla dahil napadali na ang isang parte ng kanyang wedding preparations.
“I’m so happy because it’s true when they say na parang nabunutan ng tinik ‘yung dibdib mo. Gumaan na ‘yung pakiramdam. Nawala na lahat ng stress, lahat noong iniyak ko, na pinadasal ko. Sulit talaga. Super thank you. Alam ko parang mababaw but it’s really my dream, so finally tuloy na siya,” sey ni Carla.
Kasama ang kanyang nanay, lumipad si Carla patungong New York.
Nag-quarantine muna sila ng tatlong araw, bago namalagi ng dalawa pang araw sa New York para sa hanapin ang wedding shoes at gown ni Carla.
***
NAG-OPEN up ang Kapuso actress na si Klea Pineda na dumaan siya sa matinding depression dahil sa pag-body shame sa kanya ng ilang haters sa social media.
Matagal daw siyang hindi nagbukas ng kanyang social media accounts dahil masasaktan lang daw siya sa mga mean comments ng ilang netizen tungkol sa kanyang katawan.
Naging dahilan daw ang depression niya sa pagkawala ng kanyang confidence sa sarili.
“Ang hirap sa totoo lang na makabasa ng ganun. Humahanap sila ng butas para hilahin pababa ‘yung kapwa babae nila or kapwa tao nila. Bakit hindi na lang tayo maging masaya para sa isa’t isa?
“Nitong mga nakaraang months, nawala ‘yung parang self-esteem, self-confidence, nawala ‘yun, nawala ‘yun sa akin,” diin ni Klea.
Ngayon daw ay gumawa ng paraan si Klea para muling bumalik ang tiwala sa sarili. Imbes nga raw na magmukmok siya, bumalik siya sa pag-workout at unti-unti na raw bumabalik na ang dati niyang alindog.
“A little progress each day adds up to big results,” post pa ni Klea sa kanyang Instagram account.
Hindi nag-iisa si Klea sa naging biktima ng body shaming. Naranasan din ito nila Kris Bernal, Gabbi Garcia, Angelica Panganiban, Rita Daniela at ng beauty queen na si Michele Gumabao.
***
NAG-POST si Madonna ng ilang nakakaintrigang photos aa social media para sa promotion ng kanyang Madam X documentary.
Sa isang photo, suot ng 63-year old singer ang isang all-black ensemble of leather, lace and fishnets na may caption na: “Madame X is giving birth today. ……………. Help her push………….. #madamex streaming on @paramountplus.”
May mga kuha rin siya na suot ay long black gloves, a crucifix necklace, black leather skirt and bustier, red tights with black heels and fishnet stockings.
Suot ni Madonna ang naturang outfit noong mag-guest ito sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon. Pinakita ng singer na maalindog pa rin siya habang suot ang sexy leather dress.
Unang ni-release ni Madonna ang Madam X studio album noong 2019.
Naunang pinalabas sa MTV in the UK ang Madame X documentary at ngayon ay available na ito sa Paramount+.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Luke 1:28
Hail, full of grace.
-
Nabundol habang tumakas, kelot na tirador ng bisikleta dedbol sa motor
TODAS ang isang lalaking nagnakaw umano ng bisikleta nang mabundol ng motorsiklo habang tumatakas sa mga humahabol na barangay tanod sa Caloocan City. Sa ulat na nakarating kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nabisto ng mga tanod ang ginawa umanong pagnanakaw ng bisikleta ng lalaking si alyas “Mac-Mac” dakong alas-9 ng gabi […]
-
Inaprubahan ng House justice panel ang panukalang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship sa import ng Ginebra na si Brownlee
Inaprubahan ng House justice panel nitong Miyerkules ang panukalang nagbibigay ng Filipino citizenship sa American basketball player na si Justin Donta Brownlee na isang hakbang para maging kwalipikado siyang maglaro sa Gilas Pilipinas men’s basketball team. Nabuo ito matapos na magkaisang inaprubahan ng panel ang House Bill 825 na inakda ni Representative Mikee Romero […]