• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CARLO at TRINA, galit na galit na binuweltahan ang walang pusong basher na nagbanta kay Baby Enola

UMUUSOK nga sa galit sina Carlo Aquino at Trina Candaza matapos na makatanggap ng death threat ang kanilang anak na si Enola Mithi.

 

 

Ipinost ng Kapamilya actor sa kanyang IG Story ang screenshots ng mga comment mula sa isang basher na nagbanta sa buhay ng seven-month old na si Baby Enola.

 

 

Ayon sa walang pusong netizen at mukhang wala sa katinuan, “Ansarap mo namang patayin bata ka, mukha kang tutang ina.”

 

“Mukha kang tutang ina.”

 

“Anak ka ng artista pero ang mukha mo parang tutang ina.”

 

Buwelta naman ni Carlo, “Full-grown adults who makes fake accounts to do this. Ano na ang nangyayari sa mundong ito?

 

“Papaano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo? Magkano sinasahod n’yo para gawin ito? Worth it ba?”

 

Pero ‘di pa rin tumigil ang basher at may dagdag pa itong pananakot sa anak nila.

 

“Gawin kaya kitang punching bag para mawala na yang mukha mo.”

 

Galit na galit na ni-repost ni Trina ang post ni Carlo at hinahamon ang basher na magpakita at ‘wag matago sa fake account.

 

“Nakakagalit. Mga ganitong klase ng basher, mga salot kayo. Puro kayo fake account, pero takot na takot ipakita mga pagmumukha ninyo,” pahayag ng mommy ni Baby Enola.

 

Nakisimpatiya naman ang mga followers at netizens at pinayuhan ang mag-partner na iparating na ito sa National Bureau of Investigation para magkaroon ng aksyon at maipakulong ang mga walanghiyang bashers na pinupuntirya ang mga anak ng artista.

 

Ilan nga sa naging comment nila:

 

“Ask NBI Cybercrime to help you find the culprit at ng makulong.”

 

“Ang daming baliw sa social media. Puhunan eh internet lang. Nagkakalat na ng lagim.”

 

“tutulungan nila yan semi-sikat e. sadly ganyan tlaga sa pinas pag ordinaryong tao ka or wlang media mileage ndi nila pag aaksayahan ng panahon. kaya din pumatok si raffy tulfo dahil sa ganyan sitwasyon kung nde magpapatulfo ndi mag aangat ng pwet mga yan.”

 

“This is no longer a simple bashing, threats na sya at mukang galit na galit. If I were the parents ieexhaust ko lahat ng means ko mahanap at matrace lang yan.”

 

“Omg. This is horrible!”

 

“Take this seriously and find the person. This is wrong!”

 

“Grabe naman tong mga to. Wala bang nagmamahal sa kanila. Wala ba silang pamilya.
“Siguro nastress din si ate girl pero hindi maganda iniimply nyang may nagpapasahod para gumawa nyan. Marami lang talagang taong malakas loob porket di marereveal identity.”

 

“first, si baby jude, now this! people are so cruel.”

 

“One of the downsides of social media. Pati ang inosenting bata ibash.”

 

“Ang ginagawa sa mga ganyan, pinapatulan. Go file a case against that i d i o t para hindi na gayahin ng iba.”

 

“Baket sinasali yung bata? Grabe sana mahanap si hater at i name and shame sya.”

 

“Addict siguro yong basher!”

 

“Parang high yong basher..addict!”

 

“Carlo, you cannot solve this problem if i post mo lang. Why not report these to the proper authorities? Fashion pulis readers ay mag comment lang. Wala kaming magawa.”

 

“I think may nananadya na i bash mga baby. Sana makasuhan at makulong mga ganyang tao. First yung kina Janella then ito.

 

“At si tali din. hayyy grabe mga tao.”

 

“Hindi na dapat nila idaan pa sa socmed. Lalo na matutuwa yang troll na yan. Punta sila ng NBI cyber crime, para masurprise din yang nasa likod ng account na yan.”

 

“Tapos pag mahuhuli yan, parang maamong tupa iyan if magpaawa. Kinilabutan ako while reading the threats.”

 

“Wag mo palagpasin yan, Caloy! Patulong ka sa NBI yung mga bwisit na yan mga bahag naman ang buntot kapag harapan.”

 

“kawawa talaga ang mga artista ngayon. mag vlog nalang sila para magka pera. dahil sa covid, hindi na sila makapagtrabaho, mag vlog para naman may pambili ng gatas ng baby nila at pambili ng pagkain at bayad sa mga utility bills nila. wala nang fiesta ngayon so walang raket na talaga si carlo.

 

“I think these people do this for fun and thrill. Nangpoprovoke talaga sila. They enjoy the anonymity they get in social media to get attention. Dapat kasuhan nila yan para magtanda at maging lesson na sa panahon ngayon, kahit fake account mo, may IP address ka pa rin.”

 

“Dapat talaga may maparusahan. Dami ng mga ganitong cases pero wala pa akong nakitang nahuli or kulong.”    “You can contact Instagram and they can find out. People can’t sign up without an email usually linked to a phone.”  (ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads February 12, 2021

  • Informal settlers na tatamaan ng ruta ng railway project, tutulungan ng gobyerno

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutulungan ng gobyerno ang mga informal settlers na maaapektuhan nang pagtatayo South Commuter Railway Project (SCRP) sa ilalim ng North-South Commuter Railway (NSCR) System.     Aminado ang Pangulo na may mga maaapektuhan sa pagtatayo ng malalaking proyekto tulad ng SCRP.     “We must also recognize the […]

  • Mga guro tutukan sa gitna ng pandemya – Gatchalian

    SA pagdiriwang ng National Teacher’s Month, inihayag ni Senador win Gatchalian na dapat tutukan ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga guro sa gitna ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic.   Para kay Gatchalian, ito ang pinakamabuting pamamaraan upang ipagdiwang ang National Teacher’s Month na magpapatuloy hanggang Oktubre 5, araw ng World […]