• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Carlos Agassi, ‘trauma’ na sa napapadalas na ‘b-day accident;’ nadulas habang nagdyi-gym

Hindi maipaliwanag ni Carlos Agassi kung nagkakataon lang ba o kung may anumang ipinahihiwatig sa kanyang buhay, ang madalas na pagkasangkot nito sa aksidente bago ang kanyang birthday.

 

Sa darating na Sabado, December 12, magdiriwang ng kanyang 41st birthday ang actor/dancer ngunit muli itong babalik sa ospital sa Biyernes.

 

Ito’y para alisin ang anim na stitches sa kanang kilay, idagdag pa ang apat na tahi sa kanyang gilagid, na kanyang tinamo matapos maaksidente habang nagdyi-gym mismo sa kanyang bahay nitong weekend.

 

Padapa ang bagsak kaya napuruhan sa mukha si Agassi matapos madulas nang biglang masira ang suot niyang rubber shoes.

 

“Every week before my birthday, I always get into an accident. I can’t explain if it’s coincidence, bad luck or good luck, a sign or an omen. All I can say is that accidents do happen and it’s called an accident because nobody wanted this to happen. I slipped cause my rubber shoes broke and I face planted,” pagsisimula ng kuwento nito sa kanyang IG account.

 

Kahit duguan ang mukha sa nangyari, nagawa pa rin daw niya na ipagmaneho ang sarili patungo sa emergency room ng ospital kung saan siya ay nakasuot ng face mask at face shield.

 

Kaagad naman nakasunod sa pagamutan ang non-showbiz at bagong girlfriend niyang si Sarina Yamamoto na siyang tila nag-document o kumuha ng mga video at litrato.

 

Dahil sa aniya’y traumatic experience, mas natutunan nitong pahalagahan kahit ang mga simpleng bagay lang sa mundo.

 

“I was just walking and smiling in our house gym and next thing I know is that I’m lying on the floor. When I look at the mirror I couldn’t see my face but felt and tasted blood. Stay safe, healthy, and happy. Never take the simple things in life for granted. 😊 Never felt so alive. 🙏” pagtatapos nito.

Other News
  • UST coach Aldin Ayo pinatawan ng indefinite ban ng UAAP

    Pinatawan ng indifinite ban ng University of Athletics Association of the Philippines (UAAP) si University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo.   May kaugnayan ito sa “Sorsogon bubble” controversy.   Ayon sa UAAP, na pinagbabawal na makasali sa lahat ng UAAP events at mga UAAP sanctioned-activities.   Ang nasabing ban aniya ay base sa […]

  • Meet ’The Bad Guys’ in the New Heist Caper Comedy from DreamWorks Animation

    ARE you excited to see this animated comedy flick?     Meet The Bad Guys in the new heist caper comedy from DreamWorks Animation and Universal Pictures International that will open in Philippine cinemas this April 27.     Packed with high-octane energy and sharp cultural references, the film represents a bold, stylish, new artistic direction for […]

  • PVL: Alyssa Valdez, player of the game sa laban kontra Nxled

    ITINANGHAL na player of the game si Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez sa laban nito kontra Nxled Chameleons matapos itong makakuha ng 11 points mula sa 11 attacks.     Ayon kay Valdez, masaya sila sa kanilang pagkapanalo at unti-unti na nilang nababalik ang kanilang confidence at identity.     Nasungkit na ng […]