• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Carlos Agassi, ‘trauma’ na sa napapadalas na ‘b-day accident;’ nadulas habang nagdyi-gym

Hindi maipaliwanag ni Carlos Agassi kung nagkakataon lang ba o kung may anumang ipinahihiwatig sa kanyang buhay, ang madalas na pagkasangkot nito sa aksidente bago ang kanyang birthday.

 

Sa darating na Sabado, December 12, magdiriwang ng kanyang 41st birthday ang actor/dancer ngunit muli itong babalik sa ospital sa Biyernes.

 

Ito’y para alisin ang anim na stitches sa kanang kilay, idagdag pa ang apat na tahi sa kanyang gilagid, na kanyang tinamo matapos maaksidente habang nagdyi-gym mismo sa kanyang bahay nitong weekend.

 

Padapa ang bagsak kaya napuruhan sa mukha si Agassi matapos madulas nang biglang masira ang suot niyang rubber shoes.

 

“Every week before my birthday, I always get into an accident. I can’t explain if it’s coincidence, bad luck or good luck, a sign or an omen. All I can say is that accidents do happen and it’s called an accident because nobody wanted this to happen. I slipped cause my rubber shoes broke and I face planted,” pagsisimula ng kuwento nito sa kanyang IG account.

 

Kahit duguan ang mukha sa nangyari, nagawa pa rin daw niya na ipagmaneho ang sarili patungo sa emergency room ng ospital kung saan siya ay nakasuot ng face mask at face shield.

 

Kaagad naman nakasunod sa pagamutan ang non-showbiz at bagong girlfriend niyang si Sarina Yamamoto na siyang tila nag-document o kumuha ng mga video at litrato.

 

Dahil sa aniya’y traumatic experience, mas natutunan nitong pahalagahan kahit ang mga simpleng bagay lang sa mundo.

 

“I was just walking and smiling in our house gym and next thing I know is that I’m lying on the floor. When I look at the mirror I couldn’t see my face but felt and tasted blood. Stay safe, healthy, and happy. Never take the simple things in life for granted. 😊 Never felt so alive. 🙏” pagtatapos nito.

Other News
  • Sekyu sugatan sa pamamaril sa Malabon

    Malubhang nasugatan ang isang 27-anyos na security guard matapos barilin ng hindi kilalang suspek makaraang komprontahin nito ang biktima sa Malabon city.     Kasalukuyang inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa katawan ang biktimang si Ronnie Fernandez, ng Blk 48, Lot 31 Phase 3 […]

  • PBBM, ipinag-utos ang mabilis na rehabilitasyon ng Marawi

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (OPAMR) na i- fast-track ang rehabilitation efforts nito partikular na sa ‘kuryente, tubig at pabahay’ sa Marawi City.   Sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na makahanap ng maayos na paraan ang […]

  • Trabaho sa BPO, naghihintay sa mga uuwing OFW

    May naghihintay na oportunidad sa trabaho sa mga industriya ng business process outsourcing (BPO) para sa mga uuwing overseas Filipino worker, partikular sa mga mayroong karanasan sa information technology at healthcare, ayon sa Department of Labor and Employment.   Kasunod ito ng pagtutulungan ng DOLE at ng IT and Business Process Association of the Philippines […]