• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CARMELA LORZANO, itinanghal na bagong Sing Galing Year 2 ‘Ultimate Bida-Oke Star’

MATINDING paSINGlaban ang naganap sa katatapos lang na Sing Galing Year 2 ‘The Kantastic Finale’ noong Disyembre 10 kung saan itinanghal bilang bagong Ultimate Bida-Oke Star ang Echan-teen Diva ng Batangas na si Carmela Lorzano.

 

 

Isang pangmalakasang performance ng “You’re My World” ang ipinamalas ni Carmela sa unang round, pagkatapos ay nagtapat naman sila sa Trio-Oke Round ng “Nightingale Medley” of Lani Misalucha songs nina Joy Escalante at Rachelle Cardenas. Sa huling paSINGkatan, nagtagisan ng galing sa Kantastic Showdown sina Carmela at Joy sa isang makapigil-hiningang “Sabihin Mo Na” at “Hindi Tayo Pwede” mash-up.

 

 

Nagwagi si Carmela bilang Sing Galing Year 2 grand champion at nag-uwi siya ng mga premyong home and living essentials package, family staycation package, kaSULITbahay package, brand new car, at tumataginting na 1 million pesos!

 

 

Merry naman ang Pasko ng mga Kaawitbahay dahil extended ang kantawanan sa Sing Galing Pasko-Oke Special. Dalawang linggo na puno ng kantahan, kaSINGyahan, pamimigay ng regalo, at engrandeng SINGlebrasyon ang hatid ng buong Sing Galing Family. May handog ding Christmas presents si Genie para sa mga Kaawitbahay, kabilang na rito ang limang brand new motorcycles!

 

 

SINGuradong special ang Pasko sa Sing Galing Pasko-Oke Special, kaya tutok na sa sa Sing Galing tuwing Monday, Tuesday, at Thursday, 7PM, sa TV5.

 

 

***

 

 

KAHIT nagkaroon ng aberya dahil sa hindi pagdating ng sponsor na magbibigay sana ng papremyo, itinuloy pa rin ni Doc Michael Aragon ang awarding para sa nanalo sa cosplay contest sa ginanap na ‘Celebrities Atbp. Laban sa Climate Change’ noong November 30 na hatid ng Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI) na siya ang chairman.

 

Dahil sa hindi pagsipot ng kanilang kausap na dating Konsehal ng QC, mula sa advocacy-concert hanggang sa awarding, minabuti na ni Doc Mike na abonohan ito ng kanyang personal money, kaya naging instant sponsor ang kanyang itinatag na Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI).

 

Humingi pa ng paumanhin ang butihing doctor at philanthropist….
Pahayag niya, “pasyensya na po kayo lahat sa twist ng mga nangyari sa awarding of cosplay winners at presscon natin kanina..we are in good faith.
“BUT i believe na blessing in disguise din eto sa KAMBPI kc maging opportunity eto for d truth to come out.
“Victim ang KSMBPI dito..nagtiwala kami.. The truthshall set us free.
“Maraming salamat sa inyo lahat! God bless u all.”

 

 

Samantala, ang overall winner ng cosplay contest ay si Jolito Beral (as Sun Wukon ng ‘Monkey King’) at nakakuha siya ng PHP 30,000.

 

Richer by PHP 10,000 ang mga nanalo sa four categories:
ANIME: Kean Juries as the Chaisaw Man
ARMOR: Joren DAve Rivas as Dragon Wukong
CLOTH: Gleen Cuevas as Joker
GAMES: Eliza Ann Pecaoco as Freya.
Congrats pa rin sa mga winners dahil malaking tulong ang kanilang napanalunan.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • TAKE A SNEAK PEEK AT THE RESIDENTS OF HWANG GUNG APARTMENTS IN THE CHARACTER TRAILER FOR “CONCRETE UTOPIA” (PART 1)

    RULES for survival: Obey or leave. Watch the character trailer for Concrete Utopia. The critically acclaimed film opens in Philippine cinemas this week, September 20.  https://youtu.be/1vY5TwZaRb0 Get to know more about the characters of Concrete Utopia and the actors and actresses that portrayed them, as described by director Um Tae-hwa. YOUNG-TAK, Resident Delegate of Hwang Gung Apartments Played […]

  • Balik-tanaw para kay Anthony Villanueva

    HAYAAN po ninyong itampok ko ang ilang mga kababayan nating Olympian ngayon at sa susunod na araw dahil sa Olympic year naman.     Para sa araw na ito silipin po natin si Anthony Villanueva.     Siya po ang unang atletang nakapagbigay sa ating bansa ng silver medal sa men’s boxing mula sa 18th […]

  • Top 2 at 6 most wanted person sa kasong rape sa Malabon, nalambat

    NATIMBOG ng pinagsanib na puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Station Intelligence Section (SIS) at Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (RMFB-NCRPO) ang Top 2 at 6 Most Wanted Person ng Malabon city sa magkahiwalay na operation sa naturang lungsod.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, […]