• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Carrying capacity ng mga pampublikong sasakyan, tataasan; physical distancing measure sa mga pasahero, babawasan – IATF

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang panukalang dagdagan ang ridership o mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbabawas sa distansya ng mga pasahero.

Sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade, kailangan ng dagdagan ang carrying capacity ng mga public transport vehicles lalo na sa Metro Manila at karatig na lalawigan na papunta na sa “new normal” dahil inaasahang dadami na ang mga empleyadong magbabalik sa trabaho habang mas maraming industriya na rin ang magbabalik ng operasyon.

Simula sa Setyembre 14, magiging .75 meter na lamang ang physical o social distancing measure na ipatutupad sa mga pampublikong sakayan.

Makalipas ang dalawang linggo, magiging 0.5 na lamang hanggang 0.3 meter na susunod na dalawang linggo.

Pero mahigpit umanong ipatutupad ang mga health measures gaya ng mandatory use ng face masks at face shields sa mga pasahero.

Other News
  • Gilas Pilipinas tinambakan ang Hong Kong 93-54

    TINAMBAKAN ng Gilas Pilipinas ang Hong Kong 93-54 para mapanatili ang walang katalo-talo sa 2nd window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.     Mula sa umpisa ay dominado ng Gilas Pilipinas ang laro kung saan ginamit ang tangkad nina Kai Sotto at Jun Mar Fajardo […]

  • TOROTOT AT PITO, PINAPAIWAS SA BAGONG TAON

    HINDI pinapayo ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng “torotot” o kahit ang “pito” (whistle) sa pagsalubong ng Bagong Taon. Sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa virtual launching ng Tuloy ang Paskong Pinoy 2020:Iwas Paputok Campaign,” mas mainam na umiwas sa SKERI at doon tayo sa KERI na mga paraan. Ayon kay Cabotaje, […]

  • DOH: Siling labuyo, hindi gamot sa dengue

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi gamot sa dengue ang siling labuyo.       Inihayag ito ng DOH matapos mag-viral ang isang social media post na nagsasabing ang siling labuyo ay mahusay na panlunas sa naturang karamdaman, na nakukuha sa kagat ng lamok.       Sa isang abiso, sinabi ng DOH […]