• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Carwash boy kulong sa pagnanakaw ng bisikleta

TIMBOG ang isang carwash boy matapos habulin ng isang service crew na nakasaksi ng kanyang pagnakaw ng bisikleta sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Jumarie Linog, 18 ng Tanigue corner Labahita St. Brgy. 14, Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PCpl Renz Marlon Baniqued, alas-8 ng gabi nang tangayin ng suspek ang mountain bike ng negosyanteng si Jerameel Principe, 30 ng New Jasmin St. Brgy. Longos sa harap ng Toki Milk Tea sa C-4 Road, Brgy. Longos.

 

Nasaksihan ng service crew ng Toki Milk Tea na si Arnold Anecito, 18 ang ginawa ng suspek kaya’t hinabol niya ito hanggang sa makorner si Linog sa harap ng Fisher Mall sa tulong ng mga nagmalasakit na riders at security guard ng mall.

 

Dinakip ng rumespondeng mga tauhan ng SRU-NPD ang suspek kung saan nabawi ang mountine bike ng biktima at isa pang Japanese bike na itinuro ni Linog kung saan niya itinago. (Richard Mesa)

Other News
  • JENNIFER LAWRENCE AND ANDREW BARTH FELDMAN PLAY HILARIOUS OPPOSITES IN RAUNCHY COMEDY NO HARD FEELINGS

    JENNIFER Lawrence has always wanted to make a comedy, but she just couldn’t find the right one.      Enter No Hard Feelings.     For Lawrence, it was a pleasure to do “something totally different… a totally different genre, with fun scenes and ridiculous dialogue that got me excited! Shooting this movie, alongside a brilliant […]

  • Rondina, Gonzaga kampeon sa World Tour

    NASUNGKIT  nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang gintong medalya sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures na gina­nap sa Subic Bay Sand Court sa Subic.     Naisakatuparan ito nina Rondina at Gonzaga matapos pataubin sina Gen Eslapor at Dij Rodriguez sa bendisyon ng 22-24, 21-12, 15-12 come-from-behind win sa all-Filipino championship match.   […]

  • Napili bilang official spokesperson ng ‘SportsPlus’: SamYG, ibinahagi ang kahalagahan ng sports sa mga Pilipino

    INANUNSYO ng bagong premier online mobile sportsbook na SportsPlus na napili nito si SamYG bilang opisyal na tagapagsalita.   Isang longtime radio jock, nakilala si Sam YG sa sikat na programa sa radyo, ang ‘Boys Night Out.’   Para sa kaniya, aprubadong-aprubado ang kapana-panabik na sportsbook mobile site.   Nang tanungin tungkol sa bago niyang […]