• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Cash recycling’ ATMs sa 7-Eleven PH, simula sa Hunyo

NAKATAKDANG magkaroon ng “cash recycling” ATMs ang mga tindahan ng 7-Eleven sa Pilipinas sa Hunyo kung saan magkakaroon ng real-time cash deposits at withdrawals ang mga kliyente.

 

Pinirmahan na ng Philippine Seven Corporation, exclusive franchise holder ng 7-Eleven sa bansa, ang kasunduan kasama ang PITO AxM Platform Inc. (PAPI), ang lokal at wholly-owned subsidiary ng Seven Bank Ltd ng Japan.
Sa ilalim ng kasunduan, ipapadala ang mga cash-recycling ATMs sa mga tindahan ng 7-Eleven sa buong bansa, inaasahan ding makikita na ang mga ito sa lahat ng tindahan sa mga susunod na taon.

 

“Among the features of the ATMs is a cash recycling function that enables the machines to dispense banknotes deposited by the 7-Eleven stores and customers of PAPI partner banks,” ani PSC sa regulatory filing. “All ATM cardholders can benefit from these ATMs 24 hours a day, seven days a week.”

 

Sa pagtatapos ng 2019, mayroong 2,864 na kabuuang tindahan sa buong bansa ang 7-Eleven habang mayroong 25,000 ATMs ang Seven Bank sa bansang pinanggalingan nito.

 

Subsidiary ng Seven & I Holdings Co. Ltd. ang Seven Bank, ang parent company ng 7-Eleven Japan, at pinapatakbo na mula pa noong 2001.

 

“Through PAPI and its partnership with PSC, the Japanese financial institution will be able to bring its range of ATM solutions to the fast-growing Philippine market, its first rollout of recycling ATMs outside Japan,” ani PSC.
Inanunsyo ni PSC president at CEO Jose Victor Paterno ang planong paglalagay ng ATM sa Philippine 7-Eleven outlets noong Hulyo pa.

 

“There has never been a better time to formalize this collaboration than today, as a growing and increasingly digitized economy provide demand for digitizing cash, as the rapid growth in our Cliqq payments business has shown,” aniya.

 

“The payments we take in initially provide a steady supply of cash for ATM customers to withdraw, and we look forward to building other services atop the combined infrastructure of nearly 3,000 stores, recycling ATMs, and 6 million downloads of our Cliqq app,” pagpapaliwanag pa ni Paterno.

Other News
  • Direk DARRYL, ‘di kailangan ang fandom tulad ng JaDine para I-promote ang movie; Boss VIC, pinahanga nina AUBREY at MARCO

    SA digital mediacon ng Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na hatid ng Viva Films, natanong ang blockbuster director na si Direk Darryl Yap kung ano ang masasabi niya sa bagong tambalan nina Marco Gallo at Aubrey Caraan.     Nag-e-edit na raw siyang next movie niya na Sarap Mong Patayin, kaya wala na sa […]

  • Kahit natuldukan na sa post ang pagsuporta: KC, inuudyukan na umuwi para makatulong sa campaign ng LENI-KIKO tandem

    KUNG iniisip man siguro ng karamihan na tila walang pakialam o suporta si KC Concepcion sa kampanya ng kanyang “dad” o step-father na si Senator Kiko Pangilinan sa pagka-Bise Presidente, sa isang Instagram post lang niya ay tila natuldukan na ito agad.     Marami ang natuwa base sa nababasa naming comments sa pagpu-post ni […]

  • ‘Timely announcement’ ng gov’t work, class suspension, pangako ng DILG

    NANGAKO ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng maagang anunsyo ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno at mga klase isang araw bago pa ang pagdating ng bagyo.   Pinahintulutan kasi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang departamento na ianunsyo ang suspensyon sa mga pagkakataon na may masungit at masamang panahon.   […]