‘Cash recycling’ ATMs sa 7-Eleven PH, simula sa Hunyo
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG magkaroon ng “cash recycling” ATMs ang mga tindahan ng 7-Eleven sa Pilipinas sa Hunyo kung saan magkakaroon ng real-time cash deposits at withdrawals ang mga kliyente.
Pinirmahan na ng Philippine Seven Corporation, exclusive franchise holder ng 7-Eleven sa bansa, ang kasunduan kasama ang PITO AxM Platform Inc. (PAPI), ang lokal at wholly-owned subsidiary ng Seven Bank Ltd ng Japan.
Sa ilalim ng kasunduan, ipapadala ang mga cash-recycling ATMs sa mga tindahan ng 7-Eleven sa buong bansa, inaasahan ding makikita na ang mga ito sa lahat ng tindahan sa mga susunod na taon.
“Among the features of the ATMs is a cash recycling function that enables the machines to dispense banknotes deposited by the 7-Eleven stores and customers of PAPI partner banks,” ani PSC sa regulatory filing. “All ATM cardholders can benefit from these ATMs 24 hours a day, seven days a week.”
Sa pagtatapos ng 2019, mayroong 2,864 na kabuuang tindahan sa buong bansa ang 7-Eleven habang mayroong 25,000 ATMs ang Seven Bank sa bansang pinanggalingan nito.
Subsidiary ng Seven & I Holdings Co. Ltd. ang Seven Bank, ang parent company ng 7-Eleven Japan, at pinapatakbo na mula pa noong 2001.
“Through PAPI and its partnership with PSC, the Japanese financial institution will be able to bring its range of ATM solutions to the fast-growing Philippine market, its first rollout of recycling ATMs outside Japan,” ani PSC.
Inanunsyo ni PSC president at CEO Jose Victor Paterno ang planong paglalagay ng ATM sa Philippine 7-Eleven outlets noong Hulyo pa.
“There has never been a better time to formalize this collaboration than today, as a growing and increasingly digitized economy provide demand for digitizing cash, as the rapid growth in our Cliqq payments business has shown,” aniya.
“The payments we take in initially provide a steady supply of cash for ATM customers to withdraw, and we look forward to building other services atop the combined infrastructure of nearly 3,000 stores, recycling ATMs, and 6 million downloads of our Cliqq app,” pagpapaliwanag pa ni Paterno.
-
Ads October 15, 2020
-
Kaya nagbago ng career tulad ng pagdidirek: JOHN, tanggap na ‘laos’ na siya bilang gay comedian
TANGGAP na ni John “Sweet” Lapus na “laos” na siya bilang gay comedian. Lumipas na raw ang ningning ng kanyang bituin. Kaya tinanggap na rin ni Sweet na kailangan na rin niyang magbago ng career. “Tanggap ko na iba na ang direction ng career ko the moment I accepted na magdidirek […]
-
TONI, nag-resign na bilang main host ng ‘PBB’ at ipinasa kay BIANCA
SUMABOG na ang galit lalo na ng mga Kapamilya employees at Kapamilya staff, maging ang ilang mga netizens dahil sa lantarang pagsuporta na ni Toni Gonzaga sa kandidatura ng kanilang ninong na si Bongbong Marcos, plus of course, kay Mayor Sara Duterte. Kitang-kita naman sa mga Instagram stories na pinost at ni-repost ni […]