• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cashless transactions na ang EDSA busway system

IPINATUPAD ng pamahalaan ang cashless transactions sa pamamagitan ng pag-gamit ng beep cards sa mga buses na dumadaan sa EDSA busway system simula ngayon linggo.

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na “no beef card, no ride” policy ang ipatutupad. Ayon kay assistant secretary Steve Pastor na ang nasabing aksyon ay upang magsilbing karagdagang safety measure nang maiwasan ang pagkalat ng viruses lalo na sa paghawak ng cash.

 

“We want to make sure that commuters along EDSA will have a safer and comfortable travel while at the same time providing them a more seam- less and efficient system of public transport,” ayon kay Pastor.

 

Dagdag pa ni Pastor na ang measure na ito ay makakatulong din sa iba pa na safety at health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa mga public utility vehicles (PUVs) tulad ng pagsusuot ng face masks at shields at social distancing.

 

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuters na bumili at mag load ng kanilang beef cards in advance upang maiwasan ang inconveniences pag ipatupad na ang fare collection system.

 

“As we are removing other potential health risks, we also want to limit the time spent in lines that come with having to do cash payments. We are envisioning that more public transport vehicles adopt digital transaction means either through QR codes, online payments or tying up with cashless payment providers such as beep,” wika ni LTFRB chairman Martin Delgra.

 

Ang mga pasahero ay puwedeng mag load ng kanilang beef card sa mga LRT at MRT stations, Family Mart at Ministop branches, Bayad Center at kanilang affiliates, ganon din sa over-the-air loading partners tulad ng BPI, Eon by Unionbank, Akulaku at Justpayto.

 

Ang beep card ay siyang lamang interoperable stored value card na puwedeng gamiting sa LRT1, LRT2, at MRT 3 at ganon din sa point-to- point buses, EDSA buses at modern jeepneys.

 

Magagamit din ito sa tollways at retail partners. Ito ay reloadable at valid for four years.

 

Ang EDSA busway system, ay inilungsad noong July 1 na isang joint project ng DOTr, LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Ang EDSA busway system ay ginawa upang matulungan ang mga commuters mula Monumento sa Caloocan papuntang Paranaque Integrated Terminal Exchange na magkaron ng mas maikling travel time sa pamamagitan ng dedicated median bus lane. (LASACMAR)

Other News
  • Sakop para imbestigahan ang korapsyon sa pamahalaan, pinalawig ni PDu30

    PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang saklaw ng imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force na binuo nito para tingnan ang korapsyon sa pamahalaan.   Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   “It behooves upon me to see to it na […]

  • Prangkisa ng Grab napipintong kanselahin ng LTFRB

    NAPIPINTONG kanselahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Grab Philippines dahil umano sa pagpasa ng 20-percent discount para sa pasaherong persons with disabilities (PWDs), estudyante at senior citizen sa kanilang mga driver.     Nabuking ito sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services nang komprontahin ang kinatawan ng Grab […]

  • ‘Pogi’, 1 pa nadakma sa Malabon drug bust

    KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P80K halaga ng shabu nang matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na sina alyas Jelan, 22 at alyas Pogi, 47, kapwa residente ng […]