• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Casimero haharapin si Rigondeaux sa Agosto

Itinakda na sa Agosto 14 ang laban ni John Riel Casimero kay Cuban veteran challenger Guillermo Rigondeaux.

 

 

Gaganapin ito sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

 

 

Nangyari ang desisyon matapos na umatras si Casimero sa laban niya kay Nonito Donaire dahil sa isyu ng Voluntary Anti-Doping Agency (VADA) sa panig ni Casimero.

 

 

Inamin ni Manny Pacquiao Promotions president Sean Gibbons na mahirap na kalaban si Rigondeaux subalit alam niya ang kakayahan ni Casimero.

 

 

Magugunitang noong Abril ay inanunsiyo ang laban nina Casimero at Rigondeaux subalit hindi na ito natuloy.

Other News
  • Ads November 9, 2022

  • MSMEs protektahan laban sa cyber attacks

    DAPAT magsanib puwersa ang mga kalihim ng Departments of Trade and Industry (DTI) at Information and Communications Technology (DICT) para masigurong nakahanda ang business sector laban sa lumalaking bilang ng panganib sa online, lalo na sa ulat ng isa sa bawat dalawang small and medium enterprises  (SMEs) ay dumaranas ng cyber attacks simula noong nakalipas […]

  • Department of Education nais italaga sa mga LGUs ang pagpapatupad ng kanilang feeding program

    TINITINGNAN  ng Department of Education (DepEd) na italaga na sa mga local government units (LGUs) ang pagpapatupad ng kanilang School-Based Feeding Program (SBFP) sa 2028.     Tatlong opsyon ang pinag-aaralan ng DepEd: no devolution, partial devolution, at full devolution sa LGUs.     Ang ibig sabihin ng walang debolusyon ay pananatilihin ng departamento ang […]