• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Casimero-Inoue sa December 11

Inihayag ni reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero na makakasagupa nito si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) titlist Naoya Inoue sa Disyembre 11.

 

 

Mismong si Casimero ang naglabas ng statement sa kanyang YouTube account kung saan ipinaramdam nito ang excitement na makaharap ang Japanese fighter matapos ang mahigit isang taon na pagkakaantala.

 

 

“So ayun guys, next laban natin magandang laban ito December 11 Naoya Inoue. Let’s go,” ani Casimero.

 

 

Wala pang opisyal na statement ang MP Promotions na siyang humahawak sa boxing career ni Casimero habang tahimik pa rin ang kampo ni Inoue sa bagong pahayag ng Pinoy champion.

 

 

Sariwa pa si Casimero sa split decision win kay Cuban fighter Guil­lermo Rigondeaux para matagumpay na madepensahan ang titulo nito.

 

 

Matapos ang laban, agad na hinamon ni Casimero sina Inoue at World Boxing Council (WBC) bantamweight king Nonito “The Filiino Flash” Donaire.

 

 

Kumasa si Inoue sa hamon ni Casimero.

 

 

Naglabas ng sariling pahayag si Inoue kung saan gigil din itong makasagupa si Casimero.

 

 

Handa ang Japanese pug na patahimikin si Casimero sa oras na magkrus ang kanilang landas.

 

 

“Please organize a match. (I’ll) beat him into the ground,” ani Inoue kamakailan.

 

 

Matatandaang plantsado na sana ang bakbakan nina Casimero at Inoue noong nakaraang taon.

 

 

Subalit naudlot ito dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

Other News
  • Allotment releases sa pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno ngayong 2023, mahigit 50%- DBM

    PUMALO na sa  56. 4% na ng kabuuang 2023 national budget ang naipamahagi ng Department of Budget and Management (DBM) sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.     Sa katunayan, “as of January 31” , mula sa 5. 27 triilion pesos na pambansang pondo ay nasa 2. 97 trilyong piso na ang naipamahagi.     […]

  • PBBM, ipinag-utos sa DPWH na lutasin ang problema sa pagbaha sa NLEX sa Gitnang Luzon

    KASUNOD nang pagbisita sa mga lugar na binaha sa Bulacan at Pampanga, inatasan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga alalahanin  ng mga residente partikular na sa pagbaha sa mga kalsada tungo sa mga lalawigan.     Sinabi ni […]

  • Nakaabot naman sa Top 10 si Michelle: SHEYNNIS PALACIOS, kauna-unahang Miss Universe na mula sa Nicaragua

    MISS Universe 2023 made history dahil sa unang pagkakataon na manalo ng beauty queen from Nicaragua na si Sheynnis Palacios.       Ginanap ang 72nd Miss Universe coronation ceremonies sa Jose Adolfo Pineda Arena in San Salvador, El Salvador.       Kinabog ni Palacios ang 84 other candidates sa simula pa lang ng […]